42. Magpatuloy

190 28 0
                                    


"Mahal na mahal kita sa tunay na kahulugan nito."

'Magpatuloy'

Sa Kwentong Eros, Sa Point of View ni Eros Pragma.

Hangga't kaya natin tumakbo, tatakbo tayo.
Patunayan natin sa lahat na walang maaaring makapagpigil sa ating tapat na pag-iibigan.

Kung hindi man magiging maganda ang wakas nito, ang mahalaga ay lumaban tayo.

At sino bang makakapagsabi kung ano ang magiging dulo nito?

May mga bagay na totoong naroon kahit hindi natin nakikita, malayong malayo man dahil sa distansya, o malabong malabo man dahil nalalambungan.

Sapat na ang pag-ibig upang magpatuloy.

Mahal na mahal kita, mahal na mahal kita.

Mahal kita sa tunay na kahulugan nito.

At walang bagay na maaaring makatumbas ng aking pagmamahal sa iyo.

Anuman ang mangyari, o maging dulo nito ay nakahanda ako.
Hindi ko pagsisisihan na itinakbo kita, at tumakbo ako sa piling mo.

Hindi man maunawaan ng lahat ang ating pag-iibigan, nguni't sapat na ang ating pagmamahalan.
Sapat na ang ating nararamdaman, ang ating pag-ibig.

Kung ang pagmamahal ko sa'yo ay katulad sa paglalakad ng nakayakap sa alambre, hindi ko iisipin ang sakit sapagkat sa iyo'y tapat ang aking pag-ibig.

Kung ang pagmamahal ko sa iyo ay katulad sa paglalakad sa dilim, magpapatuloy ako sa aking lakad. Sapagkat naniniwala ako na walang dilim na mananatili, at hindi niya habambuhay maikukubli ang liwanag.

Mahal na mahal kita sa tunay na kahulugan nito.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon