26: Ikaw Sa Akin

268 47 0
                                    

Nais kong alayan ka ng tula, ngunit natutulala na ako kahit di pa ako nagsisimula.
Wala akong maisip na mga salita na magpapakita sa ating pagtutugma.

Sa isip ko'y hindi ka mawala.
Kaya naman maging sa aking panaginip, ikaw ang aking nakikita. Hanggang sa pagmulat ng aking mga mata, imahe mo pa rin ang nais kong makita.

Naisip kong ipinta ang iyong mukha, sapagka't sayo'y hindi nagsasawa.

Para kang kanin, hindi nakakasawa kahit araw-arawin.

Alam mo bang para ka rin nahuhulog na bituin sa akin? Kasi naman, lahat ng makakita sa iyo ay napapapikit at napapahiling.

Sana nga ACTS ka na lang at 1 CORINTHIANS sakin, para naman may ROMANS na namamagitan satin.

Paano ko ba makukuha ang iyong damdamin, kung dumadaan ka pa lang, lahat na sayo napapatingin?

Paano ako makikipagunahan, kung kagandahan pa lang wala na sa akin?

Alam mo ba, parang iceberg ang lihim kong pagtingin. Mukha lang maliit ngunit pagsinisid mo ay sobrang laki at lalim.

Sana nga ako'y mapansin mo na rin, at kahit isang ngiti lang mula sayo ay ayos na sa akin.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon