57. Kaibig-ibig

155 28 0
                                    

Tunay nga na nakakahumaling ang iyong ganda.

Ang iyong labi ay gaya ng pising mapula,
at ang iyong bibig ay kahali-halina.

Ikaw ay maputi at mapula-pula.

Ang iyong buhok ay maitim at malago.

Ang iyong suot na hiyas ay nababagay sa iyo,
at ang amoy ng iyong suot ay gaya ng amoy ng mga bulaklak.

Tunay na napakaganda mo at sa akin ay kaibig-ibig.

Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso,
at ilalagay kitang pinakatatak sa aking bisig.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon