44. Katulad Ng Bagyo

174 26 0
                                    

Sa iyong malumbay na mga mata,
kabiguan ng puso ang nakikita.
Marahil pagod kana, kaya halika't magpahinga muna. 

Maaari kang sumandal sa akin kung walang nakasunod sa iyo.

Hayaan mong pahirin ko ang mga luha mo.

Alam kong nabibigatan ang loob mo, kaya naman tutulungan kita para kahit papaano ay gumaan ito. Hangad ko ang panunumbalik ng saya't sigla mo.

Kung minsan ay nakakapagod ang mundo,
ngunit sa minsan na iyon ay huwag kang sumuko.

Patatagin mo ang loob mo, sapagkat hindi ito mananatili katulad ng bagyo.

Hindi ako ang Dios na magbibigay sa iyo ng tiyak na kapayapaan,
at magpapagaan sa lahat mong pasan. Ngunit nais kong maging kasangkapan, upang ang iyong kalumbayan ay tuluyang mawakasan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon