51. Bukal Ng Karunungan

167 28 0
                                    

'BUKAL NG KARUNUNGAN'

Sa punto de vista ni Arceilla Wetzel sa kwentong pinamagatang Eros.

Siya nga'y hindi nakapag-aral, ngunit ang kanyang sinabi ay higit pa sa isang taong nakatungtong sa paaralan.

Malawak ang kanyang pang-unawa, at parang balong malalim ang kanyang isip.

Bukal ng karunungan ay tunay na namumutawi sa kanyang bibig.

Aanhin mo naman ang taong nakatungtong nga sa paaralan ngunit nagagayakan pa rin ng kamangmangan?

Ang pinakamagandang tao na alam ko ay ang mga nakilala ko sa pagkatalo, nakilala sa paghihirap,
at sa pakikipagbaka,
at natagpuan ko ang kanilang paraan sa kalaliman.

Mayroon silang malalim na pangunawa sa buhay.

Ang mga dalubhasa at magagandang tao ay hindi lamang natatagpuan sa paaralan.

Minsan sila yung hindi nakatungtong sa paaralan, at nararamtan ng hindi magandang kasuotan.

Mga taong nilikha na sinubok sa pamamagitan ng paghihirap.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon