53. Sa Karanasan Ng Iba

176 31 0
                                    

Ang pagkakamali ng iba ay maaaring magbigay ng aral sa bawat isa,
na nagpapakita ng halimbawa na minsan sapat na ang karanasan ng iba upang matuto ka.

May mga karanasang hindi mo na kailangang maranasan upang iyong lubos na matutunan.
Buksan mo ang iyong kaisipan
at gawing gabay ang mga bagay na nasaksihan na sa ilan.

Maging pantas kang nilalang at kumuha ng kagalingan sa kanilang karanasan,
at huwag nang tahakin ang daan na kanilang nilakaran. Bagkus, ay likuan,
upang hindi ka maging tagaulit na lamang sa pagkakamaling ilang beses ng nagawa ng ilan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon