38. Kung Kamatayan Man Ang Kapalit Nito

150 28 0
                                    

Hawakan mong mahigpit ang kamay ko, subukin natin ang hangganan nito.
Hindi ako mapapagod sa pagtakbo, sapagka't kamay mo na ang hawak ko.


Kung kamatayan man ang kapalit nito, mamamatay akong may masayang puso.
Sapagka't sa kanila'y hindi kita isinuko,
bagkus ay lumaban at hindi huminto.

Huwag kang mabahala sa akin, ni mabalisa.
Hindi makadadagdag ng pag-asa ang pagkabalisa.
Panghawakan natin ang isa't-isa,
At kahit na mahirap magbigay ng sigla,
Huwag tayong pagapo sa dusa.

Ang pagmamahal natin sa isa't-isa
ay magpapatunay na kahit mahirap ay maaaring magkaisa.
Sapagka't tapat ang ating pagsinta, maging ang ating mga salita,
na palaging may kaakibat na gawa.

Kung kamatayan man ang kapalit nito,
Nakahanda ang aking puso.
Hinding-hindi kita isusuko,
upang mapatunayan ko sa iyo ang tapat na pagmamahal nitong aking puso.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon