40. Ang Pag-ibig Mo (Eros Pragma)

205 29 0
                                    


'Ang Pag-ibig Mo'

Sa point of view ni Eros Pragma sa kwentong Pinamagatang Eros.

Kung hindi mo alam, ikaw ang pinakamagandang babae sa lahat ng babaeng aking natanaw.

Ikaw ay maganda na parang buwan at maliwanag na parang araw.

Kung paano ang mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat, gayon ang aking pagsinta sa iyo.
Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik, gayon ang aking pagsinta sa iyo.


Katulad ka ng mamahaling diamante sa ilalim ng lupa, perlas na natatago sa ilalim ng karagatan, at mansanang ginto sa mga bilaong pilak.

Katulad ka ng kayamanang natatago.

Ngunit ang pag-ibig mo ay lalong mabuti kaysa sa maraming diamante, perlas, pilak, at ginto.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon