Kabanata 1

34.9K 676 43
                                    


"Kailangan mong makuha ang trabahong 'yon, anak. Kailangan nating mapag-aral sa kolehiyo ang kapatid mo."

"Opo, Mama." Tango ko at isinukbit ang bag ko.

"Huwag kang kabahan. Lagi kang ngumiti. Maglagay ka ng lipstick kapag pakiramdam mo ay namumutla ka na. Kailangan mong maging presintable sa harap nang magi-interview sa 'yo."

"Opo, 'Ma."

"Basta, anak ha..." Lumapit siya sa 'kin at bahagyang tinapik ang balikat ko. "Kaya mo 'yan."

"Opo,'Ma." Ngumiti ako ng maikli. "Sige po. Alis na ako."

"Sige. Mag-iingat ka."

Tumango at yumakap sa kaniya saglit at lumabas na ng bahay. Hindi ko alam kung anong kalalabasan nitong pupuntahan ko ngayon.

First time kong maga-apply ng trabaho at hindi ko alam ang gagawin ko. Maliban sa birth certificate at 2x2 ID na dala ko at wala na akong ibang dala.

Sana makayanan ko.

Nag-taxi ako papunta sa kompanya na paga-applyan ko. Kahit kakaunti na lang ang pera ko ay pinang-taxi ko pa rin kasi kapag nag-jeep ako, masisira ang pinaghirapan kong suklayin na buhok.

"Hello, kuya guard. Nagsisimula na ba?" Nakangiti kong tanong rito.

"Ang ano ho, Ma'am?"

"Ang paga-apply po ng trabaho. Kamo, nagsisimula na ba?" Mas nilakihan ko ang ngiti ko.

"Aba'y hindi ko ho alam, Ma'am. Nasa 15th floor po 'yong paga-applyan ninyo kaya doon na lang po kayo magtanong."

Napakurap-kurap ako. "15th floor po?"

"Opo. Sige na ho at baka mahuli na kayo. 10 am pa naman po ang close no'n."

Napatingin ako sa relos ko kaagad dahil sa sinabi ni kuya guard. Lagot! Alas nuwebe!

"A-Ah, salamat po, kuya guard!" nagmamadaling wika ko at tumakbo papunta sa elevator.

Mabutinat hindi gaanong karami ang sumasakay ng elevator. Pagkapasok ko ay pinagtinginan kaagad ako ng mga kasamahan ko.

Nakaayos sila at mukhang pareho kami ng floor na pupuntahan.

Ngumiti ako sa kanilang tatlo pero hindi nila ibinalik. Okay lang rin. At least ngumiti ako. Tahimik kami sa elevator hanggang dumating sa saktong floor. Sobrang tagal pa namin dahil 15th floor nga. Ang taas ba kasi!

Nagmamadali akong lumabas at tumakbo sa hallway. May nakita akong babae na naglalakad kaya tumigil ako kaagad sa harap niya.

"Excuse me, Miss. Saan dito 'yong pwede ka mag-apply?" Hinihingal pa na kaunti na tanong ko.

"Apply of what?" tumaas ang kilay niya.

Medyo ayaw niya yata sa akin. Pero okay lang.

"Ng trabaho po. Saan po ang daan?"

"Maga-apply ka?" Tumaas ang kilay niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"A-Ah, bakit? Bawal po?" medyo kuryuso kong tanong. Kung makatingin kasi siya ay nakakahiya.

"No. It's not bawal but I don't think you'll get the job." She smirked. "But anyways, come with me. I am the one who's handling the applicants."

"Hala, talaga?" Napangiti ako. "Thank you, Miss."

"No need to say thank you. Come." Umirap siya at tumalikod.

Medyo ayaw niya talaga sa akin. Sumunod ako sa kaniya at tumigil kami sa iisang pinto na malaki. Pero bago ang pinto ay marami munang mga babaeng nakapila.

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon