Kabanata 3

18.2K 517 30
                                    


Hindi ko alam paano ipo-proseso ang lahat. Ngayon ay nakasakay na ako sa pribadong eroplano ni Mr. Bonneville at papuntang France.

Natatakot naman ako magtanong kaya tahimik lang ako sa likod. Nasa harap siya at inaasikaso ng isang babae na naka-uniform ng isang flight stewardess.

Tumingin na lang ako sa labas ng eroplano. Kakaibang trabaho yata ang napasukan ko.

Akala ko kasi office works o kung ano mang related sa opisina ang trabaho na papasukan ko kaya nagpumilit ako.

Pero mukhang nagkamali ako. Ito nga't lumabas na kami ng bansa. Hindi man lang ako tinanong kung sasama ba ako. Pero ano bang karapatan kong 'di sumama e ako nagpumilit sa kaniya na pasubukin ako.

Kumusta na kaya si Mama at Jaines ngayon?

Sabi niya kanina ay sinabihan na niya si Mama na dalawang linggo akong mawawala. Ibig sabihin, dalawang linggo ko ring hindi makikita ang pamilya ko.

Mami-miss ko sila. Ito ang unang beses na malalayo ako sa kanila at sa matagal na panahon pa.

Pero okay lang. Kaya ko! Para sa kanila.


"Miss?"

Napaigtad ako nang maramdaman kong may nagsalita malapit sa akin. Napamulat kaagad ako at bumungad sa akin ang magandang mukha ng babaeng nags-serve kay Mr. Bonnevile kanina.

Nakatulog pala ako.

"B-Bakit?"

"Dinner's ready."

"H-Ha? Dinner?" gulat na tanong ko. Napalingon ako sa gilid at nasa himpapawid pa pala kami.

Sobrang layo ba ng France?

"Yes. If you mind, follow me, please." Ngumiti siya sa akin.

Ang ganda naman niya.

Pero sabi ni Mama maganda rin naman daw ako kaya dapat 'di ako mainggit.

"Sige po." Tumayo ako. May nahulog nang tumayo ako.

Nang yumuko ako para tingnan ay saka ko lang napagtanto na may kumot pala ako kanina.

Sino kaya ang naglagay no'n?

Pinulot ko na lang ang kumot at ibinalik sa upuan ko bago sumunod sa magandang babae. Dinala ako nito sa harapan ni Mr. Bonneville na may maraming pagkain sa harap.

"Enjoy your dinner," sabi ng babae at umalis na.

Naiwan naman ako sa harap ni Mr. Bonneville. Heto na naman ang kaba at takot ko.

"Sit down."

"Opo..." mabilis akong umupo sa harap niya.

Gustong-gusto kong mautal dahil sa takot pero natatakot rin ako na baka magalit siya. Ayaw niya oa naman ng nauutal.

Hindi ko na alam kung saan lulugar. 

"Let's start eating," aniya at kinuha ang kutsara at tinidor.

"Teka lang po..." pigil ko sa kaniya.

Tumingin naman siya sa 'kin ng matalim. "What?"

"M-Magdasal po muna tayo,"  dagdag ko.

"Fine."

Nagalak ang puso ko at pumikit para umusal ng dasal.

"Most gracious and loving Father, thank you, Lord God, for this blessing in front of us. Thank you for always guiding us. Thank you for all the achievements that you have let us experience since then. Then there's you, with all your goodness. And thank you for your love, oh God. Lord God, I pray that you bless this food, for it may give us enough strength and wisdom as we live every day. Your will shall be done, Oh God. This is all I ask and pray for in Jesus' name. Amen."

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon