Kabanata 20

11.3K 250 20
                                    

Nagising ako na nasa isang pamilyar na silid na ako. I know this room.

It's his.

Pero anong nangyari? Bakit nandito ako? Kanina lang—natigil ako sa pag-iisip ng biglang isa-isang lumutang sa utak ko ang lahat nang nangyari bago ako mawalan ng malay dahil sa takot.

Pumunta ako sa bahay. Ang mga hindi ko nakikilalang lalaki na naghahanap sa akin. At siya. Si Mr. Bonneville na siyang nagligtas sa akin.

Inilinga ko ang paningin ko at halos manginig ako ng makita ko siya na nakasandal sa dingding malapit sa pinto. Nasa bulsa niya ang dalawang kamay niya at mataman siyang nakatitig sa akin.

"S-Sir...."

Hindi ako takot. Nakakautal lang talaga ang uri ng titig niya. Hindi ko mabasa kung ano ang emosyon niya ngayon. Kung galit ba o ano.

"How do you feel?"

Gusto kong manginig sa pagiging malamig ng boses niya.

"O-Okay na po..." Ngumiti ako ng bahagya at sinubukang umupo pero napangiwi rin nang maramdaman kong sumigid ang kirot sa gilid ko.

"Don't move. Your wound is still fresh."

Tumango lang ako at inayos na lang ang pagkakahiga. Nang maayos na akong nakahiga ay ibinalik ko na ang pamingin konsa kaniya.

"Ikaw, Sir? Kumusta ka ho?"

"I'm fine."

Tumango ulit ako at nakagat ang labi. Bakit parang galit talaga siya? Nab-bothered ako.

"How do you feel?"

"Po? Okay lang—"

"How do you feel that you went to your house without telling me?"

Lumakas ang tibok ng puso ko. Galit nga siya. At dahil 'yon sa pag-alis ko na hindi nagpaalam. Muntikan pa siyang mapahamak.

"Sorry—"

"I am asking how you feel. I am not asking for you sorry, Haines."

Huminga ako ng malalim. "Hindi po ako nagsisisi na pumunta ako roon, Sir. Opo, muntikan ka na pong mapahamak at ako rin pero may nalaman naman po ako, e."

Kumunot ang noo niya at umalis sa pagkakahilig malapit sa pinto at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin.

"What is it you discovered? Is it that worthy that you risk your life like that?"

"Sir, nalaman kong kailangan rin nila ako. Na gusto rin nila akong makuha," desperadang sagot ko.

"And? Do you really thing I didn't know that? That's why I am protecting you, Haines. Don't you get that?" tumaas ng bahagya ang boses niya.

Hindi na ako nagsalita. Mapupunta lang 'to sa away na ayokong mangyari.

"That's why I didn't allow you to go out because they want you! Where in that part do I need to explain more?" Tumigil siya sa paglalakad aa gilid ng kama kung nasaan ako.

Hindi ko naman inakala na ganoo pala. Akala ko talaga pamilya ko lang ang kailangan nila. Buong pamilya ko pala at kasama na ako.

Ano bang kailangan nila sa amin? Hindi naman kami mayaman, sa katunayan nga ay naghihirap kami, e.

Wala rin naman kaming lupa o kung ano mang dapat na kailanganin nila sa amin.

"Haines, are you listening?"

"O-Opo."

"Don't stutter. I just want you to learn."

Tumango ako.

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon