Kabanata 9

14K 446 71
                                    

Nasaan na kaya ngayon ang lalaki kanina? Galit man ako sa kaniya ay nag-aaalala pa rin ako. Ayokong mapahamak siya. Nagkamali lang naman siya ng akala sa akin.

Galit ako pero naiintindihan ko siya. Kung ako rin ang nasa posisyon niya, kapag may nakatutok sa akin na baril ay bubunot rin kaagad ako.

May mali rin kasi ako. Itinaas ko ang baril na nakaharap sa kaniya kaya nagmumukhang tinutukan ko siya. Kung sana hindi ko ginawa iyon ay hindi siya magugulat at maalarma.

Lumingon ako kay Mr. Bonneville na nagpapahinga sa likod ko. Nakatayo lang ako sa harap ng kama niya habang siya ay natutulog.

Ayaw niya akong palabasin ng kwarto niya kaya wala akong magagawa. Mahirap pa naman siyang makalmahin.

Oo nga't sinabi niyang epektibo ang pagyakap ko sa kaniya pero hindi ko naman alam kung gagana ba 'yon sa lahat ng panahon. Hindi dapat ako maging kampante.

Mabuti at nagpahatid siya ng pagkain dito kanina bago siya nagpahinga.

Mukhang pagod talaga siya dahil kahit bukas ang ilaw ay nakatulog pa rin siya. Mahimbing na mahimbing pa nga.

Pero ang problema, naka-suit pa rin siya. At may sapatos pa rin. I even saw him hide a gun under his pillow earlier before dozing to sleep.

Pakiramdam ko ay naghahanda lang siya na kapag tinawag siya para may trabahuin ay lalakad agad siya at hindi na kailangang magbihis pa.

Ako ang naiinitan sa ginagawa niya pero wala naman akong magawa. Sino ba naman ako? Employee niya lang.

Ang kapal naman ng mukha ko kapag nakialam ako.

Napaigtad ako nang bigla siyang gumalaw. Natawa ako sa sarili kong reaksiyon.

Gano'n ba ako katakot sa kaniya at kahit kaunting paggalaw niya lang ay napapaigtad ako?

It's funny how I commend his handsome face the first time I saw him then just after a day, I'm already scared at his presence.

Iba talaga maglaro minsan ang tadhana.

Umiling ako sa sariling naisip. Ibinalik ko ang tingin kay Mr. Bonneville only to find out that he's already staring at me.

"S-Sir..." Napakurap-kurap ako.

"Yes? You're so busy minding your own thoughts that you didn't even know that I am already awake for a couple of minutes now." 

Napaiwas ako ng tingin. "Sorry po."

"Why are you saying sorry? You didn't commit any sin."

Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at sumandal sa head board ng kama.

"I'm still mad," paunang sabi niya.

Napatingin ako kaagad sa kaniya. "Akala ko—"

"Yes. You calmed me down but you didn't erase my anger."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Akala ko ko pa naman. Pero okay na rin, at least napakalma ko siya. Mahirap naman talaga tanggalin ang galit.

"And I know a way of how you can erase this."

"How, Sir?" agad na tanong ko. I badly wanna erase his anger. Hindi ko alam pero may parte sa aking ayaw na galit siya.

"You lay here in my bed and rest."

Hindi ako nakaimik kaagad sa narinig ko. Napatitig ako sa mukha niya at mukha naman siyang hindi nagbibiro.

"What? You want to erase my anger, right? That's the only way, young girl."

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon