Kabanata 14

11.4K 326 8
                                    

Nanginginig sa ginaw na umupo ako sa duyan. Gabi na at sobrang lamig. May suot akong jacket pero no’n kakayanin ang lamig.

Hindi ko alam nasaang banda na ako ng France basta ang alam ko lang ay nasa lumang parke ako. Wala ng tao dahil gabi na.

Wala akong choice kundi magpahinga muna. Buong araw na yata akong naglalakad paikot-ikot sa lugar na hindi ko alam kung ano.

May mga taong napapatingin sa akin. Dahil yata sa hindi ko kaaya-ayang hitsura. Buhaghag ang buhok ko dahil sa init kanina. Wala pa rin akong kain at nakakaramdam na ako ng gutom.

Kung nakikita lang ako ni Fery Dan ngayon. Sasabihin no’n na deserve ko ‘to dahil tinakasan ko siya.

May iilang tao ang dumaraan at titingin sa akin. Nagtataka yata kung bakit ako nandito at mag-isa sa duyan.

Kung nasa Pilipinas kaya yata ako ngayon, okay lang kaya ang buhay ko? Masaya kaya ako?

Nami-miss ko na sina Mama at ang matigas na si Jaines. Nami-miss ko na ang simple kong buhay kasama sila.

Iba-iba ang buhay ko sa Pilipinas kaysa dito sa France. Doon, tahimik lang. Dito, sobrang gulo. Doon, walang may interes sa akin. Dito, may handang pumatay, mapakasalan lang ako.

Humikab ako dahil sa pagod, gutom, at stress. Nagsama-sama na lahat. Ipinikit ko ang mata ko. Matutulog na muna ako.

Hindi naman ako siguro mahuhulog dito sa duyan kapag nakatulog ako.

"Is that your new hobby? Sleeping in a swing?"

Naidilat ko ng wala sa oras ang mga mata ko dahil sa pamilyar ma boses na iyon. I roamed my eyes.

Akala ko ay nagkamali lang ako ng rinig pero nang mapatingin ako sa gilid ay nakumpirma kong hindi.

Parang biglang nagliwanag ang paligid ko at ang buhay ko nang makita ang mukha niya.

"L-Lake..."

"Hello there, baby." Ngumiti siya.

Mabilis akong tumayo sa duyan para sana takbuhin siya pero sa pagtayo ko ay siya ring pag-ikot ng paningin ko.

Naramdaman ko ang mahinang katawan ko na natutumba pero bago pa man ito natumba ng tuluyan sa lupa ay may mga braso nang sumalo dito.

Alam ko kung sino siya pero wala na akong lakas para pasalamatan siya tuluyan nang nagdilim ang lahat sa paningin ko.



Nagising ako na medyo mabigat ang pakiramdam ko. Iminulat ko ang mga mata ko at kakaibang saya at gaan sa pakiramdam ang naramdaman ko nang makilala ang kwarto kung nasaan ako.

Kwarto niya.

"The queen is finally awake."

Napatingin ako kay Lake na nakatayo lang sa gilid ko na may munting ngiti sa labi.

"Are you okay now?"

"I feel a bit sick," totoong sagot ko. Mabigat ang pakiramdam ko. Lalagnatin yata ako.

"I know but I still want you to get up and come with me. We have to fix something."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Just come with me." Lumapit siya sa akin at inalalayan ako paupo. "Anyways, I’m glad you’re home. You don’t know what happened when you were gone."

"Thank you, Lake. Thank you for saving me," sinserong sabi ko habang bumaba nang kama kahit masa talaga ang pakiramdam ko.

"Surely, baby. Let’s go?" aya niya at ibinigay sa akin ang braso niya.

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon