Kabanata 29

8.3K 205 13
                                    


I am locked...Again.

Nakakatawang isipin na kahit saan ako mapupunta, lagi akong kinukulong.

No'ng napunta ako kay Mr. Bonneville ay kinulong rin ako. No'ng napunta rin ako kay Fery Dan ay ikinulong rin ako.

Tapos ngayon na nandito ako sa sarili kong ama, ikinulong rin ako.

Simula no'ng sagutan namin ay ikinulong na niya ako dito. At gustong-gusto ko ng lumabas dahil napapagod na ako sa ganitong eksena.

I wanna stand for myself. Kahit isang beses lang.

Pero mukhang mahirap pakiusapan ang ama ko. Sarili niya lang ang iniisip niya. Hindi naman katulad ni Mr. Bonneville na kahit mabirap pakiusapa, sa huli, maaawa pa rin sa akin. Gano'n rin si Fery Dan na kahit ikinulong ako ay hindi naman nagkulang sa pagpaparamdam sa akin na malaya ako.

Ngayon, hindi ko na alam ang sasabihin ko. Sarili kong ama, sinaktan at ikinuling ako.

Hindi na ako magtataka kung siya rin ang nagpabaril sa Daddy nina Mr. Bonneville.

Nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko ay naalarma ako. I am here for two days already at ganito pagi. May kakatakot at maghahatid ng pagkain sa 'kin, pagkatapos no'n ay aalis rin kaagad.

Hindi ko binuksan ang pinto gaya ng nagdaan araw. Nakatayo lang ako malapit sa bintana ng kwarto ko.

"Miss Czusena, someone wants to talk to you."

"Sino?" sigaw ko sa loob.

"Me, baby. Fery Dan."

Nanlaki ang mata ko ng marinig nga ang boses ni Fery Dan sa labas. Mabilis akong tumakbo sa pinto at binuksan ito.

Sumalubong sa akin ang mukha ni Fery Dan at ng isang katulong.

"Anong ginagawa mo dito?" nagugulat na tanong ko.

Bago ako sagutin ay tinanguan muna ni Fery Dan ang katulong kaya umalis ito. Saka pa lang niya ako nginitian.

"Come in." Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto.

Pumasok naman siya kaya sinarado ko na 'to.

"What are you doing here?" tanong ko ulit, gulat pa rin sa presensiya niya.

"I am here for you, baby." Ngumiti siya bago umupo sa dulo ng kama ko.

"For me? Why?" kumunot ang noo ko.

"Because your father and I decided to plan our marriage this week."

"What?" hindi ko napigilang hindi magtaas ng boses.

"Yes. I was here the other day but I didn't see you. Your father forbids me."

No'ng nagdaang araw?

Tama. Naalala ko na. Siya 'yong sinabi ng katulong na Mr. Sin na pumunta rito. Hindi ko 'yon binigyang pansin dahil akala ko hindi siya 'yon.

Bakit ko ba kinalimutan na nandito rin pala ako sa lugar kung saan siya nakatira. At isa rin siya sa kalaban ni Mr. Bonneville. For sure magsasama sila para pabagsakin si Mr. Bonneville.

Wala talaga akong mapagkakatiwalaan dito.

"What happened to the side of your lip?" tumuon ang mata niya sa mukha ko.

Lumipad ang kamay ko at hinawakan ang sugat ko sa gilid ng labi.

"My father happened."

"He hurt you?" Dumilim kaagad ang mukha niya.

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon