Kabanata 5

16.6K 425 14
                                    


Kanina pa akong walang imik at ayoko rin naman na umimik. Hindi pa ako nakakabawi sa nangyari kanina.

Sa sobrang gulat ko ay muntik na akong mawalan ng balanse. Mabuti at nasalo ako ni Mr. Bonneville.

I mean the other one.

Sa ibang sasakyan nakasakay si Mr. Bonneville na isa. Habang kasabay ko naman si Mr. Bonneville na boss ko.

As usual, may mga sasakyan na nakasunod sa kotse kung nasaan kami. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na gano'n sila ka importante para ganito kadami ang magbantay.

Nakatingin lang ako sa labas ng kotse dahil hindi naman umiimik ang katabi ko simula kanina.

Ganito pala ang France. Sobrang ganda. First time kong lumabas ng bansa na parang hindi rin ako lumabas.

Hindi naman 'to bakasyon na pwede akong gumala. Siguro saka na. Sa ngayon, kailangan kong makontento na susulyapan ko na muna sila.

Wala ako dito para mag-enjoy. Iyon dapat ang itatak ko sa utak ko.

Mga 30 minutes siguro kaming nasa kalsada bago ko napansin na bumabagal na ang takbo ng kotse na sinasakyan namin at ilang sandali pa ay tumigilnito sa harap ng iang napakatayog na gate.

Bakit parang papasok ako sa isang kaharian?

Muling gumalaw ang sasakyan at kasabay nito ang pagbukas nang mamahalin at malaking gate. Nauuna ang sasakyan ni Mr. Bonneville na isa at nakasunod ang sa amin.

Akala ko pagkapasok namin sa gate na iyon ay bahay na ang sasalubong sa amin ngunit hindi. Nagkamali ako dahil wala akong nakikitang bahay.

Pero may nakikita akong mansiyon. Sa unahan ay may nakikita akong napakalaking mansiyon.

O kung mansiyon man siyang matatawag o palasyo. Bakit napakali at ang kintab.

Tumigil na ang sinasakyan namin at mabilis na nagsilapitan ang mga guards ni Mr. Bonneville.

"You stay here and I'll just talk to my parents for a minute," wika ni Mr. Bonneville na boss ko bago lumabas.

Hindi na rin ako nagtanong pa dahil alam ko na ang ugali niya. Ako lang mag-isa sa loob ng napakagandang kotse ito dahil pumasok nga silang lahat.

Napanguso ako ng ma-realize ko kung anong silbi ko dito. Pinagbihis pa ako pero hindi rin naman pala ako papapasukin sa loob.

Pero siguro, mas mabuti na rin 'yon. Nakakatakot kasi pumasok sa mansiyong iyon. Baka makabasag ako at kulang pa ako na ipambayad.

Pero hindi ko maikakailang sobrang lawak talaga ng lugar kung saan nakatayo ang mansiyon. May dalawang fountains na ang sa ilalin ay umiilaw.

First time ko makakita ng ganiyan at gusto kong lumapit pero takot ko na lang talaga kay Mr. Bonneville, ang boss ko.

"Hey, be—

"Ay!"

"—lle."

Napahawak ako sa bandang puso ko dahil sa gulat. Ngumisi siya ng makitang nagtagumpay siyang gulatin ako.

Sino ba namang hindi magugulat kung nakatingin ka sa bandang kanan ng pinto habang siya ay bigla na lang papasok sa kotse na dumaan sa kaliwang pinto.

"I said hey, bell. Don't you have a response to that? Ain't my brother lecturing you enough about good manners?"

Napalunok ako. Mas suplado pa siya kaysa sa boss ko, e.

"H-Hindi ko naman po kilala si belle, e." Kinamot ko ang batok ko.

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon