Kabanata 49

9.6K 208 0
                                    


Pagkatapos naming magsimba nina Mama ay umuwi rin kami kaagad. Kasama namin si Lake at Daegan.

Kumain kami ng lunch at tumambay na sa living room. Kaswal lang na nag-uusap kaya naiisip ko tuloy kung ikinasal ba kami ni Daegan ay magiging ganito pa rin kami.

Kung si Daegan lang rin ang lalaki ay walang problema sa akin. Kaya ko nga siya sinagot kasi nakikita ko ang kinabukasan ko sa kaniya.

Pero ang inaalala ko ay si Mama. Lalo na sa kondisyon niya ngayon. Her treatment is ongoing.

"Napapansin kong kapag nagkakasama-sama tayong lahat ay dito tayo sa living room lagi tumatambay," biglaang sabi ni Lake kahit ibang bagay naman ang pinag-uusapan nila.

"Saan ba dapat?" kunot noong tanong ni Jaines. "Dito naman talaga nag-uusap ang lahat."

"Oo nga at alam ko 'yon. Ang sinasabi ko lang ay ngayon. Ang ganda ng panahon tapos nandito sa loob at umuupo. Lumabas kaya tayo?"

"Saan naman, hijo?" tanong ni Mama.

"Sa beach?" patanong na sagot niya na natuloy nga.

Wala naman kaming ibang gagawin pa maliban sa umupo nga lang doon kaya pumayag na kaming lahat. Sa private beach ni Daegan kami pumunta.

"Ang ganda naman dito. Nakapunta ka na ba rito dati, Ate?"

"Oo." Tango ko. Nilingon ko si Daegan dahil dito ko siya hinalikan at dito kami nagpaalam sa isa't-isa na maghihiwalay na muna kami ng landas.

May kaya naman na kami pero si Jaines parang ngayon lang nakapunta sa beach at ayon, kahit medyo mainit ay pumunta na sa dagat kasama si Lake. Iniwan ang asawa kasama namin.

May mga pagkain kaming dala. Isinama na rin namin ang mga katulong namin at nina Daegan. Sina Manang Juvi at Susing. Nagulat pa nga sila kanina nang makita ako.

Biglaan 'to kaya walang nakapaghanda. Ang dala naming pagkain ay kailangan pang lutuin.

I guess we will spend the night here. 'Yon ang plano.

Sa isang beach house na muna kaming mga babae kasama si Daegan. Nagbibihis yata para maligo na rin sa dagat.

"Ano, ligo tayo?" aya ko kina Mama, Petal at sa mga katulong.

"Sige po, Ma'am," excited na sagot ng mga katulong namin.

Nauna pa nga sila sa akin na pumunta sa dagat. Mukhang may gusto ring sundan. Sana naman hindi ang kapatid ko at si Lake na lang.

"Tara na, 'Ma. Petal? Mga manang? Ligo tayo."

"Nako, huwag mo na kaming isali riyan, Ma'am. Matanda na kami at hindi na rin kami mage-enjoy sa tubig," pagtanggi ni Manang Juvi.

"Oo nga, Ma'am. Natatakot na ako sa tubig ngayon, e." Natatawang iling niya.

"Ako rin, 'nak. Medyo mainit kasi, baka sumakit ang ulo ko."

Napanguso ako. "Ikaw, Petal? Ayaw mo rin?"

"Sasama ako, ate."

Napangiti ako. "Finally, may sasama na rin. Tara na."

"Magbibihis lang ako ng damit, Ate. Ikaw ba, hindi ka magbibihis?"

"Magbibihis rin ako." Natawa ako dahil muntikan ko nang makalimutan.

Hindi ko alam saang kwarto si Daegan basta pumasok lang kami ni Petal sa kwarto na tingin namin ay wala sa Daegan. Mabuti't tamang kwarto napasukan namin.

Pinauna ko si Petal at paglabas niya ako naman. Nagpalit lang ako ng shorts at damit. Gano'n rin ang suot ni Petal dahil nga buntis siya at medyo hakata na ang baby bump niya. May umbok na.

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon