Kabanata 12

12.5K 327 15
                                    

"Have a seat, mademoiselle." Ngumiti siya at tinuro ang sofa ng condo niya.

Hindi ko siya kilala pero wala akong nagawa nang ayain niya akong sumama sa kaniya sa bahay niya. Wala rin akong mapupuntahan. Hindi ko alam saan banda ang mansion ni Mr. Bonneville at hindi rin ako pwedeng magpalaboy-laboy sa labas dahil may mga gustong puatay sa akin.

Ngayon ay naging malinaw na sa akin lahat. Delikadong tao si Mr. Bonneville at si Lake. At may kaaway sila, sigurado ako doon. Nang makita ako ng kaaway na kasama ni Lake at Mr. Bonneville, ginusto nila akong patayin para gumanti.

Tama man o hindi ang nasa isip ko, alam ko pa rin na may mga gustong pumatay sa akin. Kaya hindi na ako pwedeng magpalaboy-laboy lang sa labas.

Umalis siya at nang bumalik ay may dala nang tubig. Iniabot niya ito sa akin bago umupo sa kaharap kong sofa.

"So, how do you feel now? Are you still scared?"

Uminom ako sa isang basong tubig na binigay niya bago sumagot.

"I'm still scared," pagsasabi ko ng totoo. "I am not used to this."

"Aw. That's why."

Oo at isa pa, nag-aalala ako kay Mr. Bonneville. Gustuhin ko mang manatili roon kanina ay hindi pwede.  The body guard did everything to protect me kaya kailangan ko ring mag-ingat kun'di ay masasayang ang pagbubuwis nila ng bahay.

"By the way, I'm Shauwn. How about you?"

"I'm Teira Haines," pinilit kong ngumiti. "And thank you for bringing me here to keep me safe."

"Of course, Teira Haines." Ngumisi siya.

"A-Ah, you can call me Haines. Please not my whole name." I laughed awkwardly.

"Oh, Haines then. Haines..." inulit niya ang pangalan ko.

Tumango lang ako.

"Anyways, I'll just cook something for dinner. Will you be good here?"

"Yes," mabilis na tango ko.

"Okay. I'll just cook. Feel at home at my condo, Haines."

Tumango ako. Nang umalis siya ay inilagay ko naman ang baso sa table na nasa harap ko.

I am worried about Mr. Bonneville. I wonder how is he? Natapos na kaya ang barilan sa building na 'yon?

Halatang sanay na si Shauwn sa ganoon. Lagi kaya iyong nangyayari sa building na 'yon? Lagi kayang may barilan doon?

Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang nga lamang loob ko sa nangyari. If walang mga body guards kanina, right now, I'm already dead.

Kaya sobrang pasasalamat ko kanina kay God that He protected me. Habang lulan ako nang sasakyan ni Shauwn papunta rito kanina ay nagdadasal ako at nagpapasalamat.

I am still alive because of Him.

Natigil ako sa pag-iisip nang may narinig akong nag-doorbell.

"Haines, can you open the door for me?" rinig kong tanong ni Shauwn sa kusina.

"Okay," sagot ko at tumayo. Tinungo ko ang pinto. Inihanda ko ang ngiti ko sa kung sino man ang bisita ni Shauwn ngunit nang buksan ko ito ay nawala rin kaagad ang ngiti ko. At ang puso ko ay kumabog na naman ng mabilis.

P-Paanong...

"Well, hello there, princess." Ngumisi ito.

Napaatras ako. "N-No..."

"Y-Yes..." nang-uuyam na aniya at pumasok.

Hindi ko siya kilala ngunit kilala ko ang suot niya. Isa siya sa mga namamaril kanina sa building.

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon