Kabanata 8

13.4K 465 17
                                    

"Get off your hand on my property, Lake."

Napapikit ako nang wala sa oras. Kani-kanina lang ay galit ang nararamdaman ko pero kaba na ngayon.

Kapag talaga nandiyan siya ay tinutubuan talaga kaagad ako ng kaba.

Hindi sumunod si Lake sa utos nito kaya nang makalapit ito ay ito na ang marahas na nagtanggal nang braso ni Lake sa braso ko. Pagkatapos ay hinila niya ako papalayo kay Lake.

Matunog na ngumisi si Lake. "Chill, Def. I told you, I won't hurt her."

"Didn't I told you not to go out from your room?" mariing tanong niya sa akin imbis na sagutin ang sinabi ni Lake.

Nang hindi ako sumagot at mabilis na nagtaas baba ang dibdib niya na para bang nahihirapan siyang kontrolin ang sarili niya.

Gusto kong magdahilan sa kaniya na hindi ko naman talaga balak na lumabas at may iniabot lang ako sa body guard pero paniniwalaan niya kaya ako?

Knowing him, kung ano ang paniniwala niya, 'yon ang tama at 'yon ang dapat sundin kahit mali na.

"You need to take your chill pill, Def."

"Shut up!" asik niya rito.

"I won't." Tumawa lang ito. "Why would I shut up? I told you countless times about this. If I can see that you're not right, I will never shut up."

Mabilis ang galaw na itinaas ni Mr. Bonneville ang kamay niya at sa isang iglap lang ay hawak na niya sa kwelyo si Lake.

Napasinghap ako. "Mr. Bonneville!" hindi napigilang tawag ko gamit ang mataas na tono.

"Don't meddle with this, young girl. I am still mad at you for not obeying me."

"She didn't disobeyed you, you know." Sa kabila nang matinding tensiyon na namumuo sa kanilang magkapatid ay nakukuha pa rin talaga ni Lake na maging kalmado at ngisihan ang kapatid. "I hope you know how to ask before you do stupid things, twin brother." Pwersahan niyang kinalas ang kamay ni Mr. Bonneville sa kwelyo nang suot niyang damit na napagtagumpayan naman niya.

"No one disobeys me, Lake," galit na wika nito.

"And she didn't disobeyed you. You can ask your trusted body guard behind you if I am lying or not. You decide, Def, because I am so tired enlightening you in everything." Nag-inat siya ng katawan. "Ah, I'm having a body-ache again. I should go. See you around," kaswal na kaswal na aniya na animo'y hindi nakipagsagutan sa kapatid.

Tuluyan na siyang umalis pero mahina at mabagal ang paglalakad dahil nga sa sugat niya. Pero kani-kanina lang, no'ng muntikan na ako barilin ay ang bilis at liksi niya. Sa iilang segundo nga lang ay napatumba niya ang tumutok sa akin ng baril.

Na-trigger siguro siya kaya niya nagawa iyon. Pero ngayon na wala nang panganib ay bumalik ang sakit ng katawan niya dahil sa sugat na natamo.

"Go back inside, young girl. I'll just talk to this man." Sinulyapan niya ang body guard sa likod niya dahil nakaharap siya sa 'kin.

"Pero—"

"Don't," pigil niya sa akin. "Just don't, young girl. I am furious right now. I'll be handling you after I handle this man. So get inside. Now!"

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon