Kabanata 21

10.6K 307 4
                                    


Ilang araw ko nang hindi nakikita si Mr. Bonneville dahil nasa loob lang ako ng kwarto. I stayed there because of my wound.

Hinahatiran lang ako ng pagkain ng mga katulong niya na ibinalik na niya. Pabalik-balik rin sila para i-check kung kumusta ako.

Pero ni minsan, hindi ako binisita ni Mr. Bonneville para kumustahin ako.

At hindi ako matahimik. Nakasagutan ko siya no'ng nagdaang araw at hindi pa kami nagbabati. Ayoko no'n.

Kaya ngayon na maayos-ayos na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Hindi pa ako fully healed pero maayos-ayos na rin at nakakagalaw na ako. Hindi nga lang pwede pagurin ang sarili talaga.

"Manang, asaan si Sir?" tanong ko kay Manang Susing.

Isa siya sa dalawang katulong ni Mr. Bonneville dito sa bahay. Nagpakilala na sila noong nakabalik sila dito. 'Yong isa ay si Manang Juvi.

At ilang ulit ko na rin naitanong ang tanong ko sa kaniya ngayon pero iisa lang ang sagot niya palagi.

"Busy ho, Ma'am."

Nagluluto siya nang para sa tanghalian ko. Sobrang daming niluluto tapos ako lang mag-isa kakain sa mesa. Wala si Mr. Bonneville. Kapag inaya ko naman silang dalawa ni Manang Juvi, tatanggi sila.

"Huwag niyo na hong damihan ang lulutuin ninyo. Nasasayang lang ho, e."

"Pero utos po ni Sir, Ma'am. Bawal po kaming sumuway at baka sisantihin ulit kami. Kakabalik pa naman po namin."

Napabuntong hininga ako at wala nang sinabi pa. Ano bang laban ko sa totoong amo nila?

I don't even know what am I in this house.

"Sige ho. Sa living room muna ako." Binigyan ko siya ng maikling ngiti bago tumalikod at pumunta sa living room gaya ng sabi ko.

Nandoon si Manang Juvi at nagwawalis. Ngumiti kaagad siya nang makita ako. Sinuklian ko naman 'yon bago umupo sa sofa.

"Mukhang bored kayo, Ma'am, ah?" puna niya kaagad pagkaupo ko.

Buti na lang nandito si Manang Juvi. Nakikipag-usap kasi siya sa 'kin ng maayos. Kahit hindi ako nagtatanong. Para bang tinuturing niya akong anak gano'n.

Si Manang Susing kasi, parang nahihiya na hindi ko maipaliwanag. Kapag tinatanong ko, doon lang nagsasalita.

"Bored nga po. Paano ba naman, wala akong ibang nagawa. Maliban sa maupo at kumain," pagsusumbong ko.

Tumigil muna siya sandali sa pagwawalis at umayos ng harap sa akin. "'Yon ay dahil hindi ka pa magaling, Ma'am."

"Ay nako, hindi ho. Kahit noong hindi pa ako nabaril, ganito na talaga ang buhay ko. Ewan ko ba!" Kinamot ko ang ulo ko at sumandal sa sofa. "Ayoko ng ganitong buhay. Ayoko ng parang nakakulong ako, Manang. Gusto ko lumabas at hanapin ang pamilya ko. Gusto kong tumulong sa paghahanap pero hindi ko alam paano at saan ko sisimulan."

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na magkwento at maglabas ng hinaing. Alam naman nila ang takbo ng buhay ni Mr. Bonneville at alam nila lahat.

Bago pa ako ay alam na nila. Tungkol naman sa pamioya ko ay kinuwento ko na sa kanila dahil nagtanong si Manang Juvi. At ayoko naman magsinungaling. Wala sa vocabulary ko ang magsinungaling.

Maliban kasi sa masama 'yon, kasalanan rin 'yon.

"Pero wala ka namang magagawa, Ma'am. Kapag sumuway ka kay Sir Daegan, dalawa lang kahahantungan mo. Mapapahamak ka sa labas o magagalit siya sa 'yo at mas lalo kang ikulong."

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon