Kabanata 25

9.3K 271 10
                                    


"Bring Haines home. I'll go and check Daddy," mabilis na sabi ni Mr. Bonneville habang mabilis na naglalakad.

"Okay. I'll just follow there later." Hinawakan ako ni Lake papunta sa ibang kotse.

Natataranta na ang lahat at maging ako ay nagsisimula na ring mataranta.

"No. I'll go with Mr. Bonneville," pagmamatigas ko. "We cannot leave him alone, Lake."

"No, Haines. Let's just go."

"Lake, please. We cannot leave him alone," giit ko at pilit na inaagaw ang braso ko na hawak niya.

Pero mas malakas siya kaya nahila niya pa rin ako papasok ng kotse. Nang makapasok ako ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kabila.

I know I have the chance to run from him dahil papasok pa lang naman siya ng kotse pero naisip ko.

Kapag ba ginawa ko 'yon, hahayaan ako ng mga tauhan nila? I doubt.

Mabilis na pinaandar ni Lake ang sasakyan at pinatakbo na animo'y nakikipakarera kami.

Hindi ko naman mapagsabihan dahil alam kong nagmamadali rin siya dahil nabaril ang Daddy niya.

Wala pa yatang twenty minutes ay narating na namin ang bahay ni Mr. Bonneville.

"Please listen, Haines. Don't go out unless Daegan tells you to. Take care."

Tumango ako at lumabas ng sasakyan. Umalis kaagad siya at katulad kanina ay sobrang bilis ng pagpapatakbo.

He's worried. Both of them are.

Pumasok na lang ako sa loob ng bahay. Sinalubing ako ni Manang Susing at Manang Juvi.

"Kumusta ka, Ma'am? Halika, pasok."

"Salamat po." Ngumiti ako dahil sa pagbukas nila sa akin ng pinto.

Dumiretso ako sa living room at umupo sa sofa. Nasa gilid ko pa rin silang dalawa.

"Ano bang nangyari, Ma'am? Bakit nabalitaan naming nabaril raw si Sir Ric?"

"Hindi ko alam, Manang. Basta nabalitaan na lang rin namin na nabaril siya. Gusto ko ngang sumama pero ayaw naman akong pasamahin."

"Ayaw ka lang nilang mapahamak, Ma'am. Delikado roon," alo sa akin ni Manang Juvi.

Tumango na lang rin ako. Bumalik na sila sa kaniya-kaniyang mga trabaho habang ako ay nanatili sa living room at nakahulipkip na naghihintay na may umuwi sa kanilang dalawa.

Hindi naman ako nabigo dahil nang hapon ay umuwi si Lake. Si Lake lang mag-isa.

"Where's Mr. Bonneville?" bungad  na tanong ko sa kaniya.

"Come with me," aniya imbis na sagutin ang tanong ko.

"Ha? Where? Are you bringing me to Mr. Bonneville?"

Hindi siya sumagot at hinawakan lang ng bahagya ang braso ko para madala niya ako. Wala akong nagawa kundi sumama.

Habang nasa kotse kami ay wala siyang imik. Halata ang galit sa mukha niya. Dumidilim ito sa bawat pagdaan ng segundo.

"What happened, Lake? Why do you look mad? Did something bad happened to your father?"

"Shut up, Haines!" mataas ang tono ng boses na sigaw niya.

Napaigtad ako sa lakas no'n dahil unang pagkakataon 'yon na sinigawan niya ako. At sa marahas na paraan pa.

"W-Why?" Napakurap-kurap ako. "Did I do something wrong?"

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon