Kabanata 32

8K 223 6
                                    


Kinabukasan, ginawa ko ang lahat huwag lang nilang mahalatang buong gabi akong umiyak.

Late pa akong nagising buti at hindi naman nila ako ginising.

Nasa mall ako ngayon kasama si Mama, Jaines, at Dad. Wala kaming ibang kasama, kami lang apat na animo'y sobrang saya naming pamilya.

"Go and get everything you want. I'll pay for it," sabi ng ama ko nang nasa boutique kami ng mga damit.

Walang ni isang gumalaw mula sa kinatatayuan. Lahat umaayaw.

"What?" Natatawang tanong niya. "Go and get yourself clothes."

"Dad, hindi kami sanay sa mamahalin," ako na ang nagsalita dahil alam kong ayaw ni Mama at Jaines.

"I know that's why I brought you here to experience buying expensive clothes. Oh, that's not an insult. It's a fact."

Imbis na umalma ay hindi ko na ginawa. Hinawakan ko ang braso ni Mama at Jaines para hilahin silang mamili na lang.

"Anak, ayoko. Masiyadong mamahalin," reklamo ni Mama nang malayo-layo na kami kay Dad at busy rin siya sa katawagan niya.

"Oo nga, Ate. At saka pakiramdam ko kapag bumili kami at siya ang nagbayad, kaunting mali namin ay isusumbat niya 'to."

"Alam ko pero anong magagawa natin? Sumunod na lang tayo." Naiiling na sagot ko. "Kunin niyo lahat ng gusto niyo at ubusin natin ang pera niya."

"Anak, bilyonaryo ang ama mo baka nakakalimutan mo. Hindi mauubos ang pera niyan kahit bilhin pa natin mg damit dito."

Natawa ako. "At least mababawasan."

"Na mapapalitan rin naman dahil sa dami ng negosyo niya." Umiling si Jaines pero umalis rin at namili ng damit.

Namili na rin si Mama kaya namili na rin ako. Lahat ng gusto ko ay kinuha ko. Tiningnan ko sina Mama at  aba'y hindi nagpapahuli. Marami-rami rin ang kinuha.

Natatawa ako sa tuwing tinitingnan kami ng mga sales lady dahil para kaming hinuhusgahan. Kulang na lang ay sabihan kaming gahaman sa damit.

Ang mamahal ng damit pero mayaman naman kamo ang Dad ko. Edi waldas natin. Total mawawala rin naman lahat 'to sa kaniya kapag nagtagumpay kami sa plano.

Nagbabayad na kami gamit ang card ni Dad ng biglang dumating si Fery Dan.

"Fery Da—baby, what are you doing here?" gulat na tanong ko.

Lumapit siya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. "Your father called me to come here."

Nilingon ko si Dad at tumango lang siya sa 'kin. Tulak na tulak talaga siya sa akin kay Fery Dan. Nakakahiya kay Fery Dan. Alam ko pa naman na busy siya.

Lagi na lang siya naaabala dahil sa ama ko.

"Hello, Tita," bati niya kay Mama at nagbeso.

Si Mama ay ngumiti na medyo ngumiwi. Muntikan na akong matawa. Hindi man lang itinago ang pagkadisgusto kay Fery Dan.

Nag-fist bomb naman si Fery Dan at Jaines. Close yata sila.

"Fery Dan, now that you're here, you go and help Haines shop. While I'll be with Emila and Jaines."

"Sure, Mr. Czusena!" mabilis na paypayag niya.

"Oh, don't call me Mr. Czusena anymore. Call me Tito or Dad."

"Tito then."

Ayaw niya sa Dad. Kung sa bagay, sino ba namang tao na Dad ang itatawag santaong ayaw niya, 'di ba?

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon