Kabanata 41

7.1K 196 0
                                    


Umalis si Daegan dahil balik trabaho siya. Hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos. Sobrang kaunti lang ng oras na naibigay sa amin para mag-usap.

Sila ni Mama ang nag-usap. Kung hindi pa niya kailangan magtrabaho ay hindi pa sila matatapos.

Nagpahinga muna si Mama pagkaalis ni Daegan. Si Petal naman ay nasa sofa at natutulog—nakaunan sa hita ni Jaines.

Kailangan niya ring magpahinga dahil buntis siya.

"Kailan mo pa alam na buntis siya?" Turo ko kay Petal gamit ang nguso.

Inaantok na ako dahil gabi na pero gusto kong bantayan si Mama kaya heto at naghahanap ako ng mapag-uusapan.

"Last month pa. Natakot akong magalit si Mama o ikaw kaya hindi na ako umuuwi."

"Natakot?" Kinunotan ko siya noo. "Bakit ka matatakot? Pamilya mo kami, Jaines. Wala kang dapat ikatakot."

"Sorry, Ate. I know I was wrong. My decision was wrong."

"Oh, paano na ngayon 'yan? Kailan ang kasal?"

"Kasal?" mukhang nagulat pa sita.

"Oo, kasal. Don't tell me binuntis mo lang 'yan tapos hindi mo pakakasalan? Hindi pa kita nasasaktan, Jaines, pero subukan mo lang at pepektusan kita." Sinamaan ko siya ng tingin. "Dapat nga hindi mo pa 'yan binuntis, e. Dapat pagkatapos pa ng kasal ginalaw. Utak mo kasi!"

"Nadala kasi ako, e. Inakit ako."

Inambahan ko siyang babatuhin ng suot kong sandala. Tumawa siya at umiling-iling.

"Kidding. I am actually the one who seduced her. Wala, Ate, ang ganda kasi niya." Sinulyapan niya ang nobya at pinakatitigan ang natutulog nitong mukha.

Napangiti ako at hindi napigilang kiligin. Ganiyan ang titig ng pagmamahal. At masaya akong nakita nannga niya ang babaeng mamahalin niya.

"I'll marry her soonest, Ate. Kapag nalaman na ni Mama ang tungkol sa kaniya at sa bata. Kapag tanggap na sila ni Mama."

"Sino namang nagsabing hindi sila tanggap ni Mama, aber? Si Mama pa e mahal na mahal ka niyan. At alam kong ikatutuwa niyang malaman na may paparating kang anak. Na magiging apo niya."

"E, ikaw, Ate?" mula sa nobya ay tumingin siya sa akin. "Tanggap mo na siya? Kami? Ang kinahantungan ko? Aren't you disappointed of me?"

"Oh? Bakit napunta sa akin?" Natawa ako. "Mama mo ba ako?"

"You are my sister, of course your opinion is needed. At saka ang kompanya mo ay binigay mo sa 'kin. Pera mo ang pinaaral mo sa 'kin. Ikaw ang gumastos ng lahat sa akin. Tapos ngayon na lumaki na ako ay nakabuntis pa ako. Normal lang na magalit ka at ipagtabuyan ako. Na kunin ang lahat ng binigay mo sa 'kin."

"Jaines, kapatid kita." Bumuntong hininga ako. "Lahat ng ginastos at binigay ko sa 'yo ay hindi ko pinagsisisihan dahil kapatid kita. Hindi man sa dugo pero kapatid kita. Magkasama tayong lumaki. And no, I am not disappointed at the fact na nakabuntis ka. Blessing 'yan at saka normal naman na 'yan dahil nasa tamang edad ka na. Ang mali mo lang ay itinago mo sa amin pero okay na 'yon. At least alam mong mali ang ginawa mo. Na sana huwag mo nang uulitin pa."

"Ang bait mo talaga kay ka pinagpapala, e." Humalakhak siya.

"Hey! All of us are blessed, ha! Mahirap ka man o mayaman, blessed ka. Buhay mo pa lang na nagagamit mo sa pang-araw-araw ay proweba na."

"I know. I wanna hug you right now, Ate, but I can't. My little Petal is here." Tinuro niya ang ulo ng nobya na nasa hita.

Little Petal. Natawa ako. "Little Petal nga na literal."

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon