Kabanata 37

7.1K 205 5
                                    


Tahimik ako sa kotse at iniisip kung ano ang sasabihin ko sa ama nila mamaya. Susumbatan ko ba o sasaktan ng pisikal.

Bahala na. Basta ang alam ko huli na 'to. Huling-huli na 'to.

"Are you okay?"

Natawa ako ng bahagya. "Kanina ka pa tanong ng tanong kung okay lang ba ako, Daegan." Yes, I call him by his name now.

Partly, I agreed on what he said. Hindi naman sa agree ako na hindi niya deserve tawagin ng gano'n dahil anak siya sa nagpapatay sa Dad ko. Pero agree ako na 'wag na siya tawaging Mr. Bonneville.

I am not working for him anymore. Actually matagal na. Simula nang makauwi sa Pilipinas ay hindi naman na talaga. I stayed at home. He protected and helped me.

He did that because he likes me. Not because I am his employee.

Kapag natapos na 'to lahat, aayusin ko ang dapat kong ayusin. Iiwan ang dapat iiwan. At magsisimula ako ng bago.

Kasama na sa aayusin ko ang kami ni Daegan. Kung ano nga ba kami. At kung hanggang saan lang kami.

Pagkarating namin sa bahay nila ay gumapang kaagad ang kaba sa 'kin. Pero hindi ko hinayaan na lamunin ako nito.

Nandito ako para kausapin siya. I am not here as the woman his son likes.

Pinagbuksan ako ni Daegan ng pinto at nagpasalamat ako.

"I can accompany—"

"No, Daegan. I want to talk to him alone," putol sa kaniya. "Stop worrying about me. Worry about him because I'm gonna put him in jail after this to end this chaos between our families."

Natahimik siya at hindi nakapagsalita. Kung nasa normal na sitwasyon lang kami ngayon, hindi siya magpapatalo, alam ko. Pero dahil alam niyang wala at hindi niya na rin empleyado kaya wala na siyang masabi.

Hindi ko alam kung ano na lang kami ngayon. Magkakilala na lang? Friends? More than friends? Hindi ko na alam.

Pumasok kami at si Manang Juvi ang nagbukas ng pinto. Bahagya pang nanlaki ang mata niya ng makita ako.

"Hello po, Manang Juvi." Ngumiti ako sa kaniya.

"H-Hello po, Ma'am. Pasok po."

Naglalakad kami papasok ng tanungin ni Daegan si Manang Juvi.

"Where's Dad, Manang?"

"Sa harden po sa likod, Sir."

"Okay. Thank you."

Napangiti ako. At least he knows how to say thank you after being answered. Hindi kagaya dati na tanong ng tanong, utos ng utos tapos wala ka man lang maririnig na pasalamat.

"Come. Let's go to him." He held my arm and guide me to the garden.

"Nasa'n nga pala si Lake?" tanong ko habang naglalakad kami.

"He's with Fery Dan."

"Oh?"

"Yes. But let's talk about that later. We're here." We stopped in front of a small way. "Just walk straight and he's there. I'll be here—"

"Hindi."

"What?"

"Don't wait here. I need privacy with him."

"And I am giving that to you that's why I'll stay here even though I really want to go with you."

Bumuntong hininga ako. Heto na naman po kami at ayaw niya naman na magpatalo.

The Captivated BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon