CHAPTER 2

120 5 0
                                    

A wish that I didn't know would come true
Did I really saw you?
Because seeing you felt like a dream
And something about you loses my poise and prim

OKAY NA SANA, kaso kinabukasan na kinabuksan, late akong nagising. 6:50 na ako nakadilat. Which meant na sa 30 minutes ang biyahe at late ako makakarating sa room! Gah! Napuyat yata ako kagabi kaka-daydream sa amin ni Terrence kung paano kami magkikita. Eto tuloy ang napala ng kabaliwan ko!

So much for daydreaming for Terrence...

Dahil pakiramdam ko ay hindi ko rin maabutan si Terrence sa Xentral, hindi na ako dumaan doon at nagdiretso patungo sa campus. Pinapasok naman ako dahil may other copy ako ng pwede ipakita sa Guard. Himihingal nga lang ako na nakarating doon sa room. My chest relieved when I saw there's no Prof.

“Wala pa palang Prof?” pagtabi ko sa dalawang nag-aaway na naman sina Celia at Sera.

Celia shrugged her shoulders. “Wala, e. Sabi ni Mayor wait lang daw natin.”

“Hoy, Celia! Hindi pa tayo tapos mag-usap, ah?!” Hay, ito na naman sila.

Buti na lang at sakto rin na dumating ang Prof kaya ang araw ko ay naging bakante para sa kanyang pagtuturo na umabot sa break namin kaya hindi ko mapakealaman ang cellphone ko. I was so intrigued with our lesson sa Foundations of Special and Inclusive Education sa Prof namin na si Ma'am Suzanne. She talks about a child being special and how is it equally equivalent to raising a four children at the same time. Namangha lang ako, ganoon pala iyon. Sometimes, I wonder what it connects on me having an Educ course. Well, obviously it's because you're going to teach children. And one step to get connected to them is to know their state and how are you will be able to get along with them as their teacher.

Napasobra ang pakikinig at pagkamangha ko na nakalimutan ko na talaga ma-check FB ko. Saka ko lang na-check nang kumain kaming magkakaibigan sa McDo. Ngayon lang ito kaya sinusulit ko na.

6:01

Vonn Terrence:

Here @Xentral

6:15

Vonn Terrence:

Looks like I'm way too early.

6:45

Vonn Terrence:

Hey, any updates?

Please chat me immediately once you came here.

6:55

Vonn Terrence:

Hey. I saw you. Bakit hindi ka pumunta?

“Hala!” sigaw ko pero sakto lang para marinig at makuha ang atensyon ng dalawang nababaliw na kaibigan ko.

“Nyare sayo? Nabaliw ka na?” tanong ni Sera. Hindi ko pinatulan dahil sa taranta ko kay Terrence.

“Si—” Hindi na ako nakasagot dahil nanginginig ang ang kamay sa panic at pagkabalisa habang nagtitipa ng reply kay Terrence.

Liora Farianne:

OMG, sorry! Na-late kasi ako sa klase and hindi ko na na-check ang phone the whole day.

Sorry talaga sa abala. Saan tayo pwedeng magkita mamaya?

Again, I'm really sorry.

Hindi siya nag-reply dahil he's active 16 minutes ago. Nakakahiya. Tiyak ay naghintay siya nang napakatagal doon. And nakita raw niya ako? Akala ko kasi pumunta na siya sa klase niya!

“Sino ba 'yan, Lolo?” Nainis ako kay Sera dahil ginamit niya ang nakakatawang nickname sa akin ng mga relatives ko pero hindi ko na lang siya pinansin at tinignan ulit ang phone. Walang response. Napabagsak ang aking balikat sa pagkadismaya.

Napakatanga mo naman kasi, Lia. Napakagaling!

Hanggang mag-uwian ay naghintay ako ng reply niya pero wala rin. Bagsak na bagsak ang balikat ko at tahimik ako the whole day. Hindi rin nakapakinig sa orientation ng bawat subject kanina. Nahuhulaan ko rin na nainis siya sa ginawa ko. Aba, nakita nga naman ako pero di ako lumapit? Baka nga sa ngayon sinusunog na nun ID ko.

“Tara milk tea,” Sera said. Making Celia's eyes roll.

“Napakagastatera mo talaga, Sera. Kaya nauubos baon namin sayo, eh!”

“Sinabi ko bang bumili rin kayo? Hindi naman, di ba? Kayo nga yung nag-insist pa—”

“Farianne?” Napalingon kami sa sumigaw ng aking apelyido at tila nabuhayan ang sistema ko nang makita ko siya. My heart beated so loudly that it wanted to leap out of my chest. Parang biglang nag-slow motion ang lahat at biglang nag-play sa background ang song ni Stephen Sanchez na Until I Found You.

I would never fall in love again

Until I found her

I said, I would never fall unless it's you that I've fallen to

I was lost within the darkness then I found her

I found you...

Then an image above my eye invaded my mind.

“Um... I think Infinix, Ma,” sagot ko sa Mama ko nang pinapili ako ng cellphone.

Pagkauwing-pagkauwi ko pa lang ay tinransfer ko na ang files ko sa old cellphone patungo sa new phone. Medyo matrabaho pero tinyaga ko. Matagal kong hinintay ang bagong phone na ito, hindi ko na sasayangin ang oras. Nag-scroll naman na ako sa FB pagkatapos. Bigla ay may isang post ay nagpaalala sa akin ng gusto kong imbestigahan kaya agad akong pumunta sa admission's kung saan kung sino-sino ang nakapasa sa current school ko.

Pinindot ko ang College of Engineering at kaagad pinindot ang search button para mahanap ang pangalan na iyon. I was a bit disappointed when nothing appeared pero nang sinubok ko ulit, nagulat ako hindi dahil nakita ko na ang hinahanap. Kundi dahil...

1. Vonn Terrence T. Santiago

Same school kami ng elementary classmate ko?!

“Here.” My thoughts snapped out of me at ang bumungad sa aking paningin ngayon ay si Terrence. Ang kaklase ko dati na ngayon ay sobrang malaki na ang pinagbago. Mas... gumwapo siya. And the butterflies inside me couldn't take the view in front of me.

Saka lang ako natuahan ng siniko ako ni Celia. “A-Ah... T-Thank you!” Naiinis ako. Nabubulol na tuloy ako! “Sorry nga pala kasi naistorbo kita sa paghihintay sa akin—”

“Okay lang,” tango niya. “Sige, uwi na pala ako. Nakita lang talaga kita. Bye.”

Unti-unti kong inangat ang palad kahit nasa malayo na siya. “Bye...”

Like The Stars From AboveWhere stories live. Discover now