CHAPTER 5

88 4 0
                                    

And then in the end
It's my heart that got broken
Leaving the pieces behind
It's still me wishing you were mine

NAKARATING KAMI ni Terrence sa isang ramen-an base sa naaamoy ko pagpasok sa loob. Ang bango, tapos nakakatakam... I've never tried ramen before though, cup noodles lang afford ko. Pero yung ramen na ramen talaga? Hindi pa, eh.

Mabagal ang lakad at nililibot ang tingin sa paligid nang biglang kinuha ni Terrence ang palapulsuhan ko para hatakin. "Tara."

My heart was pounding as I stare at his hand on my wrist. Electricity traveled all over me. Yet, nasa palapulsuhan ko pala siya! Hindi kaya maramdaman niya na malakas ang tibok ng puso ko para sa kanya?

Though, hindi niya tinanggal ang pagkakahawak doon not until he made me look for a table for us two. When I finally found one and sat, realization dawned on me.

Did we just... hang out... together? The two of us? Only us?

My cheeks flushed but I instantly get rid of it at baka mahalata ni Terrence pagbalik niya! I just can't believe that it's the two of us hanging out... even if this is only for friends. Walang malisya.

Huminga akong malalim. Kumalma ka, Lia. Huwag mag-assume ng kahit ano. This is just his way of telling you thanks because you found his keychain. Right. Bumabawi siya. Nothing more, nothing less.

Hindi rin nagtagal ay pumunta na rin si Terrence na may dalang bowl of ramen. Natakam ako pero di ko pinahalata. Huwag kang masyadong PG. Nakakahiya. Huwag kang masyadong PG. Pigilan mo, beh. Bwisit ka. I chanted inside my head.

Nagsimula na siyang kainin yung kanya kaya sinimulan ko na yung akin. Pero nagtaka ako ba't walang kutsara. Bakit chopsticks ang meron dito?

"Kailan pala ipapasa yung Project niyo?" tanong niya habang sinusubukan kong ilagay sa kamay ko ang chopsticks. I know I searched it at YouTube kung paano ito gamitin.

"Sa Midterm week," sagot ko na busy sa pag-aaral ng chopsticks. Alam ko ganito muna. Tapos...

"Ah. Next, next, week..." Nag-scoop ulit siya gamit ang chopsticks at sinubukan ko rin pero wala akong makuha! Augh! Bakit nung pinanood ko, madali lang?! "Kailan ang vacant mo next week? Doon natin gawin."

"H-Ha? Tutulong ka?" saad kong may paunti-unting nakukuha na noodles pero nag-i-slide ito pabalik. Siya naman ay focus sa kanyang kinakain.

"Oo, katulad ng sinabi ko, 'di ba?"

"Well, pwede naman kasing makigrupo ako-" Natigil ako nang may mag-slide na naman pababa na noodles. Anak ng. Nag-ramen para mawala ang stress, pero chopsticks pa lang umiinit na ulo ko.

Mukhang nakita iyon ng loko dahil bahagya siyang natawa at agad tinikom ang bibig.

"Hindi ka pala marunong mag chopsticks, hindi mo agad sinabi." Nagulat ako nang bigla niyang kuhanin ang chopsticks ko na nasa kamay ko pa rin pagkatapos ay sinubukang kumuha ng noodles. Hindi ko matiis ang pagkakiliti sa pagkakahawak kamay namin kaya ibinaba ko ang chopsticks.

"T-Teka lang," I nervously laughed. "Mag-ti-tinidor na lang ako. Manghihingi na lang ako-"

"Wala silang ganon dito. All they have is chopsticks for people to experience being in other places without going out of the country."

"B-But what about those people who wants ramen, too, yet wants a spoon to use, instead? Tsaka yung hindi marurunong!"

He shrugged his shoulders. "They better brought some spoons-or fork with them, then, kung ayaw nila mag-dusa."

Like The Stars From AboveWhere stories live. Discover now