CHAPTER 8

117 5 0
                                    

Warning: This is going to be my first and last story that I will be letting to have "those" kind of things—other than the Isla De Guapitos, of course. This is just something I'd like to try if it fits to my writing. So bear with me if I didn't exceed your expectations.

An experience that came without expectation
A love that is so foreign, full of passion
Together, our fingers intertwine
Hoping our love will stay until the end of time

NAGPATULOY ANG sunod-sunod na exams and I was exhausted at the end of the week. Yung ibang Prof's binigay yung score sa exam, and I can't deny the fact that I was okay with it. Hindi ganun kataas, hindi rin ganun kababa. Sapat lang para makuha ang ninanais na grade.

Though it paid me off. Dahil after no'n, nakatulog ako hanggang kinabukasan sa napag-usapan namin ni Terrence na magkikita kami para ipakilala na niya ako sa parents niya. Binalak talaga namin a week after the exam, kaso nga dahil napagod talaga ako hanggang kinabukasan nakalimutan ko na may ganon pala.
Saka ko lang naalala siya nang may tumawag kalagitnaan ng tanghali.

I was quite pissed off of who called in the middle of my sleep so I answered the call without peeking who the caller is.

“Oh?” I said with a hint of irritation in my voice.

“Look who's awake now and just decided to pick up the phone.” Nahahalata mo ang sarcasm sa boses niya. Dahil kakagising ko lang napa-"huh?" lang ako. Pero mas tumindi ata ang inis niya mula sa kabilang linya. “Tapos ikaw pa ngayon ang nakalimot? You know how excited I am para sa araw na ito tapos i-di-ditch mo lang ako? Ganoon mo ba kinamumuhian ang mga magulang ko?”

Napabalikwas ako ng bangon. I took a peek at my phone para tignan ang date. Jeez! Ngayon nga pala niya ako papakilala sa parents niya dahil sa umaga lang bakante ang kanilang sched tapos... hindi ko pa na-attend-an! “Terrence, I can explain—”

“Explain? Ano pa bang i-e-explain mo sa nangyari? Hindi mo kasalanan na nakalimutan mo? Akala ko pa naman excited ka rin sa araw na ito...” he said, with full of bitterness in his voice. Ano ba naman itong nagawa mo, Lia!

“S-Sorry, nakatulog ako. Masyado ako napagod sa exams—” Kaso ay pinatayan niya ako. Napatulala na lang ako dahil hindi ko alam paano ko ito iaayos sa kanya dahil mukhang malaki talaga kasalanan ko.

Napahilamos ako ng pisngi at nagwala sa higaan ko. Kung bakit ba naman kasi masyado kong na-enjoy ang pag-tulog ko! Natatakot ako sa kung ano mang sasalubong sa akin 'pag nakipagkita ako, dapat natutulog lang ako ngayon, eh.

I sighed. Kaso kailangan ko pa rin sabihin at ipaintindi sa kanya yung side ko. A relationship without a proper communication leads to a break up. I've never had boyfriends before, but with a bunch of books I've read—Romance, generally—I learned that one of the main reasons why couple break up is because of miscommunication.

And I don't want it to happen. Not with my first boyfriend. Not with Terrence.

So, I lay for a little while in my bed before jumping out of it after deciding what I should do to make Terrence forgive me. I immediately made myself formal before stepping out of the house. Hindi na nagtanong ang mga magulang kung sinong pupuntahan ko, ang alam nila ay may group project kami. Thesis, ang pinaka-effective.

Pagkarating sa Mall ay tumungo agad ako sa store na alam kong may makikita akong pwede kong ibigay kay Terrence. Mabilis lang ang naging oras at hindi naging hassle dahil nabili ko agad iyon. Nakangiti ako sa plastic habang iniimagine ang magiging reaction niya once makita niya ito.

I was pretty enjoying minding myself nang saktong pagkatingala ko ay napatigil ako sa paglalakad. My system immediately got into a rush as my heartbeat began to race. A sudden panic of emotion ran through me and I absentmindedly hide somewhere. Nang tumingin uli ako sa direksyon na iyon ay nagulat ako.

Like The Stars From AboveWhere stories live. Discover now