CHAPTER 4

99 4 0
                                    

I know it's wrong to like a class fellow
Can't even try to come up to you
But I'm sure can't help it
And by seeing you freezes my feet


AFTER OUR encounter, we've been extra busy the next few days kaya nawala na siya sa isip ko. Dahil nga naman at second semester na, kaya dinaganan na agad kami ng mga gawain. Ang mas malala pa, nakilala na namin sa araw-araw ang Prof at may masungit pa! Kung kailan favorite ko yung subject saka may masungit na Prof?!

“Etong echoserang Prof na 'to kapag talaga hindi ako nakapagpigil ipapa-salvage ko na siya,” komento ni Sera nang may ipahiya naman sa klase ang Prof namin na si Ma'am Galvez.

“Shh!” Celia shushed at her. “'Pag narinig ka niyan, e...”

“Oh, pake ko? Bwisit naman kasi talaga siya...”

“Hayaan mo na, sundin na lang natin siya. Para sa atin din naman yung sinasabi niya, e...”

“Pero tama ba iyon? Simpleng pagkakamali pinupuna na? Hindi ba normal sa kanya ang magkamali? Tao tayo, for goodness sake! Anong sa tingin niya tayo? Perfect na agad? Bawal magkamali?” Madami pang sinabi si Sera na hindi ko na pinansin. Tinitigan ko ang kaklase naming napahiya. I'm not studying Psychology, but I think right now she's refusing herself to cry in front of the class as if she wants to act tough to at least not to be more embarrassed.

And I can totally tell she's telling herself how stupid she is right now.

I admire her, she can act tough and strong even though on the inside, she's hurting and all. I hope she can get through this. Everything will be alright. I know it will. Not now, but eventually...

Kasi patikim pa lang ito ng semester na ito, at ngayon pa lang, kahit hindi pa nag-fa-finals ay ramdam ko na kung gaano kabigat ang pagdadaanan ko—namin. Well, this is, "Welcome to College", indeed. Eto yung welcome na hindi mo gugustuhing pasukin.

Ngayon nga pala ay Tuesday and we're now up for our last subject. Science, Technology and Society. Ito ang pangatlong pagkakakita namin sa Prof na ito kaya alam ko na ang mga pinapagawa niya.

“...may posibilidad na hindi kayo gaano mag-ku-quiz sa akin—” Halos naging masigla ang aking sistema sa narinig at para akong nilipad sa alapaap nang mga oras na iyon. “—dahil before mag Midterm, pagagawan ko kayo ng Robot.”

Para akong binagsak mula sa bangin dahil sa narinig. Samu't-saring reklamo ang narinig ko sa iba pero tahimik pa rin ang paligid.

Paano naman kasi, Educ ang course pero pagagawan ng Robot?!

“You will be going to make one out of recycled materials. Okay ang hindi gumalaw,” Gumaan ang loob ko. “Pero perfect na agad sa Project once nagalaw niyo.”

So, ano? Tres kung sakaling hindi napagalaw?! Bwisit naman!

Dala-dala ko ang samang loob hanggang sa pag-uwi ko. Buong oras akong napasimangot habang nag-scroll sa FB hanggang sa di ko mapigilan.

Liora Farianne
Just now

Educ ang course pero pinapagawan ng Robot? Anong klaseng buhay 'to anak ng tinokwa

I earned 15 Haha's and mostly galing sa mga kaklase ko. I was enjoying their comments when a chat head popped up.

Vonn Terrence Santiago:

May STS din kayo?

Nanlaki ang mata ko sa nakita. Parang yung pagkamiss na di ko naramdaman ay saka ko lang nadama. Ilang araw ba kami hindi nag-usap? Almost one week yata? Grabe, ang tagal din kasi naging busy sa subjects.

Like The Stars From AboveWhere stories live. Discover now