CHAPTER 3

122 4 0
                                    

Your eyes are too strong
They make me want to stare at them for too long
I hope this feelings won't fade
Yet to see you can simply make my whole day

THAT VERY DAY, I immediately checked our convo at Facebook whether he responded or not about my explanation to my whereabouts that morning. Pero... wala. Seen lang ang meron. Ayaw ko siyang sisihin sa inis niya sa akin. Kasalanan ko naman talaga na na-late ako ng gising. Kung sana ay pinuntahan ko pa rin siya roon kahit na alam kong baka wala na siya roon, dapat chineck ko pa rin. E, kaso...

Ayon. Wala.

Pinilit ko na lang na huwag isipin kahit na nagagambala ako sa nararamdaman. Sinubukan ko pang gawin ang mga assignment na pinapagawa agad o mag-advance para sa subject bukas kahit pa na parang wala ako sa sarili.

“Wala ulit?” tanong ko sa mga kaibigan ko kinabukasan pagkarating ko sa assigned room namin. Tinutukoy ang Prof na wala pa rin. Nakakapagtaka lang na wala pa rin kahit maaga naman ako.

“Ata,” sagot ni Celia. “Hindi pa rin dumadating si Mayor. So, hindi ko pa alam.”

Nilingon ko ang paligid. “Oh, wala si Sera? Himala.” Kaya pala walang maingay.

“Late lang iyon. Kailan pa umabsent ang lokang iyon?”

True to her words, Sera was really late. Medyo weird lang, dahil ang tahimik niya ngayon. Kinukulit siya ni Celia pero walang imik pa rin.

Hinayaan na lang namin siya at hinintay kung may Prof. At totoo nga, dahil walang Prof na dumating. Pinabalitaan na lang kami at hinayaang pumunta muna at mag-aliw-aliw o di kaya kumain sa kung saan gusto. Pinili naming magkakaibigan ang kumain dahil nakaramdam kami ng gutom. Akala ko nga mananahinik buong maghapon si Sera pero laking gulat ko nang umingay siya. At patungkol pa sa kahapon!

“Liora H. Farianne, sino pala yung kahapon? Hindi mo nakwento na may jowa ka na! Ikaw ha, tahimik ka lang pero marunong ka pa lang lumandi, huh,” taas-baba ng kanyang kilay sa akin.

“None of your business, Sera.” I rolled my eyes. “And stop calling me by my whole name, will you?”

Kinalabit niya si Celia na kakagat pa lang ng burger. “Kita mo 'yan, Celesticle?! Nag-na-none of your business na siya sa atin! Kala mo may business, Educ naman ang course!”

“Kung ayaw ikwento ng tao wag mo pilitin. And will you please stop calling me Celesticle?! Celia, Sera! Celia! Kung ayaw mong tawagin kita sa Fi-Fi from Seraphina—”

“Yuck, ew! It sounds like the female genitalia!”

“Stop calling me Celesticle, then.”

“Bagay naman, KJ ka lang—”

And then they didn't stop arguing over their nicknames. Seriously, bakit ba kasi ang lakas ng trip nitong si Sera na tawagin kamj sa nakakahiya naming nickaname? Kung hindi niya gawa, marahil ay naikwento namin sa kanya para pag-trip-an kami. Ewan ko ba diyan sa babaeng iyan.

Mabuti na lang natapos din sila dahil balak ko talaga mag-walk out kapag hindi sila nanahimik. On the way out of the Canteen, something caught my eye. I wasn't familiar with it pero ang pangalan ng KPOP group ay sobrang familiar sa akin.

STAYC? Yung STAYC na kinaaadikan ng crush ko ngayon? Sa kung paano ko nalaman, well, because I saw it on his bio sa Facebook. Di ko nga lang alam kung kailan naging fan, basta nakalagay na lang sa bio niya—and to think na sa past posts niya ay nag-she-share siya ng patungkol sa KPOP group na iyon nang parang sobrang tagal na, hindi ko ma-estimate. Pati nga ako nahumaling kahit papano sa iilang songs nila. Kinda addictive to listen over and over, I must say.

Like The Stars From AboveWhere stories live. Discover now