CHAPTER 18

47 4 0
                                    

An unexpected turn
Who would have thought that I will never learn?
A past’s mistake and pains
Should I really take the blame?

OMG, sure ka na ba talaga sa desisyon mo na babalik ka na ng Pilipinas? Ma-mi-miss ka naman dito... huhu,” pagdadrama ni Decir.

“Oh, come on, Decir. Para sana pa ang Skype? Messenger? Video Call? Kung sa tingin mo di na tayo magkikita?”

“Eh, bakit ba kasi biglaan?”

Napakagat ako ng labi habang inaalala ang dahilan. “Just some sort of an emergency na kailangan ako. Don't worry, bibisitahin naman kita if gusto mo...”

“Aww, okay. Pero sayang kayo ni Hernan, bagay talaga kayo—”

“Oh, shut up, Decir. Alam mong past na ang meron sa amin kaya hindi ko na siya babalikan.”

“Sayang talaga, swear!”

“Kung sayang, bakit hindi mo jowain?” ngisi ko sa kanya nang panulahan siya. “And stop with the pretending. Alam ko na pinag-pe-pair mo lang kami dahil mas nauna mong nalaman na nagkagusto sa akin si Hernan—or I mean, Vonn—pero deep inside, may gusto ka talaga sa kanya.”

“H-Huh? Hoy, hindi ko siya gusto—”

“The Nile is a river in Egypt~” Mas namula siya sa pang-aasar ko. “Huwag ka mag-alala, feel ko type niya mga katulad mo.”

“R-Really?”

Ngumiti ako. “Just don't give up and you'll eventually have his heart. Hihintayin ko invitation ng kasal niyo,” I wink at her. “Oh, paano ba? Aalis na ako.”

“Ma-mi-miss kita...” sabi niya at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik.

“I'll miss you, too.” Humiwalay ako. “Yung sinabi ko sayo, ha? Hihintayin ko kasal niyo.”

“U-Uhm, Lia, wait.”

Nilingon ko siya. “Yeah?”

“Natatakot ako... paano kung umasa lang ako sa wala?”

I pat her shoulder and smiled. “Just be you...”

GOING BACK TO the Philippines never occurred in my mind especially when the time I'm pregnant with the twins and started getting busy to take care of them while continuing school. Naalala ko pa noon, it's hard doing both things. I thought it's all going to be just as easy at it is as long as I'm financially stable with the help of my Tita's money. But then trying to balance schooling while taking care of my twins—first time mother na nga, nagkaroon pa ng kambal—it really is a struggle.

Napapikit ako nang mariin nang marinig na naman ang iyak ng isa sa mga kambal. Who was it this time? Lila? Caleb? Napatitig ako nang mariin sa reviewer ko bago bitbitin ang papel at puntahan ang kwarto nila. “Sino na naman ang umiiyak ngayon?” Nang makitang si Caleb, napabuntong hininga ako in a playful way. Binuhat ko siya at hinele sa aking mga bisig. “Ikaw ha, kulit mo na. Nagrereview si Mama mo, tapos umiiyak ka na naman diyan.” Napangiti ako nang natahimik ito at nang makatulog. Sa kalagitnaan nga lang, si Lila naman ang nagising. “Napakaselosa naman ng kakambal mo, Caleb. Oh, siya, sige. Kayong dalawa na bubuhatin ko.”

And that whole night, hindi ko alam kung paano ko nasingit ang pagrereview sa kinabukasan kong exams.

“Oh, andyan ka pala. Hinahanap kita sa kwarto mo. At saka, bakit gising ka pa? May exam ka bukas, 'di ba? Tapos papasok kang puyat?”

Like The Stars From AboveWhere stories live. Discover now