CHAPTER 7

81 4 0
                                    

It felt like a dream come true

How come you liked me as someone as you?

Yet, is there a possibility...

That all of these are just temporary?


PUMUNTA NGA kami sa Ramen-an at nang maamoy ko ang Ramen ay saka nawala ang mga tanong ko sa isip katulad ng bakit kami mag-de-date kung hindi naman kami. Nilibre niya ako this time. Lumulutang pa rin ang isip ko dahil alam ko dati ay sa iba ko lang nakikita ang ganito. Napapanood, kumbaga. Tapos ngayon...

“Tahimik mo ngayon. Date natin, tapos lalamon ka lang...”

Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niyang lamon, pero doon ulit pumasok sa isip ko na date namin ito. “Date ka nang date diyan, hindi pa naman tayo, ah—”

“You like me, I like you, too. Hindi pa ba considered na tayo na nu'n?”

Traditionally, dapat nanliligaw muna—”

“Hindi pa ba panliligaw yung mga nakaraang araw?”

“What do you mean by that? Na sinagot kita nung nalaman mo na may gusto ako sayo?!” nanlalaking mata na sabi ko. “Hindi rin ganon. Nagkakaaminan pa lang, kaya dapat manligaw ka muna. At 'yang “tayo” na 'yan, dapat soon pa—”

“Bakit soon pa kung pwede namang ngayon na?”

“Alam mo, ikaw—” Tumigil ako at humingang malalim tapos ay kinuha na lang ang chopsticks para kumain. “Bahala ka diyan...” Sinubukan kong mag-concentrate sa pagkain pero pati ako ay pinagtataksilan nito! Ito lang kasi ang pangalawang beses na Ramen namin at hanggang ngayon, hindi pa rin ako natututo na kumuha. Nakita ko sa peripheral vision ko ang ngisi ni Terrence kaya inikot ko ang mata sa kanya at sinubukang kumuha in another silly way nga lang. Mukhang hindi niya natiis at tumabi siya sa akin pagkatapos ay kinuha ang chopsticks sa kamay ko.

“Ganito kasi...” Napadikit ang pareho naming balikat at halos di ako makagalaw sa inuupuan. Hindi ko mahanap ang sarili na huminga sa pagkakadikit naming dalawa.

Inilagay niya ang isang chopstick sa gitna ng point finger at thumb pagkatapos ay nilagay niya ang isa katabi nito pero may distansya.   “Whenever you place the both of them, make sure that their end points is always close to each other. And also, always make sure na nakaalalay palagi si ring finger sa first chopstick na nilagay mo. At—most importantly— ang thumb, point finger, at middle finger na nakaalalay dapat palagi sa second chopstick dahil yun ang magpapagalaw ng chopstick mo to open and close. Yun at yun lang ang gagalawin mo. Most important to know that if you really learned how to use a chopstick, at the end of your scoop, ang normal rest niya ay naka-close sila pareho. Gets mo? Okay, try opening and close it.” Inalala ko ang sinabi niya at in-open at close ko ito. Nadudulas ang dalawa na parang nag-split sila, pero sa third and continuous tries ay nagagawa ko naman. Terrence left a satisfying smile. “Now,” Kinuha niya ang sariling chopstick at kumuha ng handful of noodles. “Do this and you'll past the test.” Sinubukan ko. Nung una, nawalan pa ako ng pag-asa dahil pakiramdam ko nangangapa ako. But luckily, I made it! Madali lang pala, basta parang don't force yourself lang siguro.

Nang makita ang progress ko ay tumango siya at tuluyan na ngang tumabi sa akin. Nalingon niya tuloy agad ang cellphone ko na naka-wallpaper pa rin siya nang may mag-notif doon.

Teka, bakit nga ulit hindi ko pa napapalitan iyon? Na-broken ako sa kanya nung nakaraan, ah?

Sumimangot siya. “Bakit ganyan pa rin wallpaper mo? Palitan mo nga. Sa dinami-dami ba naman kasi ng pwede mong i-wallpaper, nung elem pa ako.”

Like The Stars From AboveWhere stories live. Discover now