CHAPTER 6

67 4 0
                                    

I never thought this could be a fairytale
Who would have thought it wouldn't fail?
It was just too good to be true
Feels so good to be loved by you

ALAM KO namang at the end of the day ay malalaman niyang may gusto ako sa kanya. But it's way too early. Hindi ko inaasahang magiging ganito ang way ng pag-amin ko sa kanya. Yung makikita ko mismo yung reaksyon niya. At maririnig kung anong rejection niya.

Alam ko namang i-re-reject niya ako at magsasasabi ng mga salitang di ko kaya, kaya agad akong tumakbo paalis dun. Dapat matuwa siya, ginagawa ko ang nakakapabor sa kanya—ang lumayo at umiwas.

Sa tuwing naaalala ko ang pagkadisgusto sa nakita niya ay bumibiyak ang aking puso sa sakit. Why do you have to be so careless, Lia? Ayan tuloy, trauma ka na naman. Heartbroken ka na naman.

Dahil na naman sa katangahan ko.

Di ko alam kung paano ako nakauwi nang araw na iyon nang hindi umiiyak sa Jeep. Siguro dahil hindi pa nag-si-sink in. Iniisip na lahat ay panaginip. But then, after reaching home, everything felt real. Is there even a chance to get out of here?

Bumuhos ang aking luha na parang ilog. Wala akong kasama sa kwarto, kaya malayo akong umiyak nang ganito. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog, basta pag-gising ko, yung sakit ay hindi mawala sa aking puso.

Di ko alam kung paano ko na-manage na makapag-focus pa rin sa pag-aaral at pag-re-review kahit na may bigat sa akin. Siguro, blessing in disguise na rin kasi may chance na mag-fail ako sa Midterm kapag napabayaan ko.

All is going so well. Hindi ko na rin siya nakikita sa paligid. Hindi na nagcha-chat. Expected ko na, dahil ayaw niya rin naman sa akin. Skala ko hindi ko na siya kakailanganin, pero namroblema ako nang two hours before the presentation of the Project sa STS, sira pa rina ng robot. Kahit sa Papa ko na may alam sa mga bagay na inaayos ay hindi rin maayos. Iniisip ko na kahit wag na lang pagalawin. Mababa man ang score at magyabang man ang bwisit na Ayana na iyon na may gumagalaw silang robot, okay na. Ang mahalaga ay may score.

“Oh, asaan ang controller ng robot mo? Hindi na gumagalaw?” Speaking of Ayana. There she goes. Inikot ko ang mata pero di na siya pinansin habang nagliligpit ng gamit ko. Nagpatuloy naman siya. “Kawawa ka naman. Sabi raw kasi ni Sir kanina ay kapag hindi gumalaw tres sa kanya.” Napatigil ako sa pagliligpit ng gamit pero hindi na siya pinansin. Kung totoo, at least pasado. Pake ko kung mataasan niya ako? E, sa aming dalawa siya naman ang inggit sa akin.

Tuluyan na akong lumabas ng room at sa paglabas ng building, nakita ko si Terrence. Tatakbo na sana ako para di niya makita pero nakita niya ako! Hindi ko siya pinansin at binilisan ang paglakad nang tawagin niya ako.

“Lia!” Napapikit ako nang mariin. Kaya ko na ba? Kaya ko na bang marinig ang rejection niya sa akin? Na humanap ako ng iba? Na palitan ko siya? Or any other ways to say na hindi niya ako gusto at gusto niya akong lumayo sa kanya?

Mas binilisan ko pa ang lakad at napunta ako sa lugar kung saan hindi nadaaanan ng mga tao. Patuloy siya sa pagtawag sa akin. Binabalak ko nang magpunta sa room na naka-assign sa amin which is the next subject nang mahablot niya ang braso ko.

“Lia, bakit mo ako iniiwasan?”

“Hindi, ah. Sige, punta na ako sa room namin—” Napigilan niya agad ang pag-alis ko. “Ano—”

“What? Why? What is this all about? Tell me, Lia. May nagawa ba akong mali? Hindi mo nagustuhan?”

Isn't it supposed to be me that should be asking that?

Umiling ako. Nakatalikod pa rin sa kanya. “Wala. Nagmamadali lang ako ngayon.”

“But it's two hours prior to your next subject! Saan ka nagmamadali? O baka iniiwasan mo nga ako? At bakit ka nakatalikod? Humarap ka—”

Like The Stars From AboveWhere stories live. Discover now