Kabanata 03

74 5 0
                                    

Kabanata 03

Accompany

Bumuga ako ng hangin bago ako nagsimulang humakbang pababa sa eroplano. Nakasunod na ngayon sa akin si Arshed at Devon na panay ang hagikhikan sa likuran ko.

"Hi, Arshed," rinig kong bati ng isang babaeng taga-QIA na nakasalubong namin na hindi ko kilala.

"Hello, Danna." I saw the girl tuck her hair behind her ear kaya pinaikot ko ang mga mata ko.

"See you later," mahinhin na dagdag nito bago kami tuluyang nakalayo.

I rolled my eyes and sighed again.

“Anong see you later iyon, Officer Salvaleon? Close kayo no’n?” rinig kong pang-uusisa ni Devon na ikinatawa ni Arshed.

Dumiritso kami sa arrival area para ma-check ang mga gamit namin bago kami tumuloy sa QIA building para makapagbihis.

After I changed my clothes, bumaba kaagad ako at te-next si Devon na sa restau na lang kami magkikita.

I'm starving. Hindi ako kumain ng maayos kaninang umaga dahil sa kakamadali ko. Muntik akong ma-late kanina dahil hindi kaagad ako nakatulog kagabi sa private cabin. Masakit rin ang katawan ko dahil sa pagod sa biyahe.

Damn! I really need to take a break. Kahit isang linggong bakasyon sa isla lang sana, ei!

Napanguso ako dahil sa naisip.

Pagpasok sa restaurant ay nakita ko agad si Devon sa pwesto namin, kasama nito si Arshed at Kenneth—isa rin sa mga co-pilot rito sa Queens International Airlines.

Maingay ang mga ito dahil sa kung anong pinag-uusapan. May mga in-order ng pagkain sa mesa at sinabihan na rin ako ni Devon kanina na nag-order na rin siya ng pagkain ko.

Umupo ako sa tabi ni Arshed, since iyon lang ang bakanteng upuan. Napapagitnaan ako ni Kenneth at Arshed.

"How's your flight, Captain? Balita ko makapal na raw ang snow sa Istanbul ngayon, ah."

Tinanguhan ko si Kenneth at nagsimula nang kumain.

"Sobrang kapal na nga ng mga snow sa alley ng TIA. Pahirapan ang pag-landing dahil sa kapal," I answered and chewed my food. "Kumusta na nga pala ang pag-a-apply mo ng reassignment paper? Na-aprobahan na ba? Tutuloy ka na ba talaga?" sunod-sunod na tanong ko. Ang tinutukoy ko ay ang planong pagpapa-reassign ni Kenneth sa kakambal ng airline na ito. Matagal niya na iyong nasasabi sa amin, pero hindi pa ako nagkakaroon ng pagkakataong magtanong tungkol doon dahil na rin sa busy sa trabaho.

"Yeah... matagal ko na ring pinag-isipan ‘to."

Kenneth Hagosojos is my former classmate way back when we were still studying at a well-known aviation school here in Canada. Sabay rin kaming nag-apply at nakapasok rito sa QIA. For whatever reason why he wanted to reassign in DIA, it's not in my business anymore. It's a personal matter, kaya hindi ko na tinatanong. Total nagsasabi naman ito sa akin once gusto niyang sabihin ang rason ei.

"Kindly add some chili sauce for this?" Nilingon ko Devon. Busy ito sa paghihimay ng shrimp na nasa harap nito.

"Damn! It really tastes like heaven if there's more chili sauce on it," dagdag nito.

"Nah uh... pass if it's a shrimp and squid." I shrugged and sipped on my juice.

Agad nag-angat ng tingin si Arshed sa akin. Nagtataka.

"Don't you like its taste?" kunot-noong tanong nito.

"Nah! Captain Yara had an allergy with shrimp and squid," si Devon ang sumagot sa akin no'n.

Coastline From The Sky- (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon