Kabanata 22

62 3 6
                                    

Kabanata 22

Consequences

As we landed at Turkish International Airline, my phone beeped immediately, ganoon din ang kay Devon. Sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko dahil sa sunod-sunod na mga notification at text messages na natanggap galing sa taga-airlines at sa mga kakilala ko. May mga mensahe rin galing kay Ate Raia at Cassimer, pero hindi ko muna iyong tiningnan, inuna kong buksan ang mensahe galing sa airline, asking about our situation.

What happened earlier is not a major problem to worry about though. I am confident and have trust in myself and Him that I can land the plane safely and bring my passengers to their destination without any scratch. I trust Captain LeVier’s capability too in that situation, kaya nga hindi ako masyadong nag-alala, kasi alam kong kaya namin at kaya ring e-handle ng mga crews ang mga pasahero.

Devon's phone beeped again when we entered the coffee shop. Naupo ako sa tabi ni Devon, ganoon din si Captain LeVier sa kaharap naming upuan.

I silently typed a reply for one of the messages, and so was Devon, kaya narinig ko ang pagbuntonghininga ni Captain LeVier na nasa harap ko.

I took a glance at his direction and saw him purse his lips while looking at his own phone, with a creased forehead.

"What's wrong, Captain LeVier?" tanong ni Devon, na katulad ko ay nakatingin na rin pala kay Captain LeVier. Bumuntonghininga ulit ito at nangalubaba sa mesa habang pinapaikot-ikot sa kamay ang mamahaling cellphone.

"Ang daya niyo naman. Iyong cellphone niyo, may nag-go-good morning at nag-go-goodnight. Kumain ka na ba? Kumusta ka na? Ingat ka, ah! Bakit 'yong sa akin wala? Bakit puro tara, inum tayo. Tara, walwal. Lambingin niyo naman kasi ako. Kawawa naman ako!" mahabang reklamo ni Captain LeVier, speaking Tagalog but in an Italian accent.

Nagkatinginan kami ni Devon at ilang sandali lang ay sabay kaming humagalpak nang tawa. Hindi ako makapaniwalang sa sitwasyon namin kanina, nagawa pa naming tumawa ng ganito. At pagkatapos ng nangyari kanina ay nagawa pa ni Captain LeVier na magmaktol ng ganito!

"God, I can't believe it!" Humagalpak ulit kami nang tawa ni Devon dahil sa reklamo ulit ni Captain LeVier. Devon held her stomach, trying to stop herself from laughing, samantalang naluluha ako sa kakatawa at binaba muna ang tsaa na hawak ko kanina para sana uminom kaso mas inuna ko ang pagtitipa.

"I... I can't believe you, Captain!" natatawa pa ring saad ni Devon. Unti-unti na akong kumalma, pero itong si Devon ang tagal yatang maka-move on.

"Tss! Stop laughing at me, Miss Dashbond; you're hurting my feelings!" Nagpigil ulit ako ng tawa. I can't believe there's a childish side of Captain LeVier's, and he's showing it to us right now. Kapag kasi nakikita ko ito sa airline, seryoso naman ito at parang hindi mabiro. Though nguminiti naman ito sa akin, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng alangan kaoag nakikita ko ito.

"Paano ka magkakaroon ng mag-go-good morning sa 'yo, Captain, e hindi ka naman namamansin," saad ko kaya agad akong binalingan ni Captain LeVier, gulat.

Ngumuso ako, nagpipigil ulit ng tawa.

"Huh! Namamansin ako, Captain!" he blurted. "Hindi nga lang halata," dagdag niya kaya natawa ulit kami ni Devon.

“Sige, ipaglaban mo ‘yan, Captain,” tumatawa pa ring saad ni Devon.

Nang maka-move on kami sa kalokohan ni Captain LeVier ay nag-usap kami tungkol sa nangyari kanina, habang hinihintay namin ang oras para makabalik kami sa Canada. I checked my phone every now and then, thinking that maybe Arshed would send a message, pero lumipas na ang halos isang oras ay wala pa rin akong natatanggap.

Coastline From The Sky- (COMPLETED)Where stories live. Discover now