Kabanata 24

58 5 1
                                    

Kabanata 24

Hurt

“Is that so? Good for you then,” I said and smirked at Arshed after the words he said sunk in my mind. Iyan ba iyong nakaka-miss, hindi nagpaparamdam?

I heard Arshed sighed. Iniwas ko na sa kanya ang paningin ko at inabala na ang sarili. Mabuti na lang at nagsidatingan na ang mga pasahero at ilang minuto na lang ay aalis na kami.

Wala kaming imikan na ni Arshed habang binabaybay namin ang himpapawid. Nagsasalita lang ako kung kailangan, ganoon din si Arshed. This is the first time we fly in the same plane but we’re not talking. Naiinis din ako sa sarili ko kasi ganoon ang reaksyon ko kanina. I know I have the right to ask his whereabouts kasi kapitan niya ako! Tsaka hindi man lang siya nagsasabi sa akin kung saang lupalop ng mundo siya lilipad!

I blew a loud breath to calm myself when we were in Istanbul already. I heard Arshed sighed again but I didn’t take a glance in his direction.

“Should I do the announcement, Captain?” mahinang tanong ni Arshed. Tinangohan ko lang siya at kulang na lang ay paikotan ko ito ng mga mata.

“Teşekkür ederim,” (Thank you,) he murmured.

Just like what he said, he made the announcement before and after we landed at the airport. Hindi ako umimik hanggang sa nakababa kami ng eroplano. 

Napapansin ko ang panay na paglingon ni Devon sa gawi namin ni Arshed nang nakalabas na kami ng eroplano, pero hindi naman ito nag-abalang magtanong, na ipinagpasalamat ko. 

Agad akong um-order nang makapasok ako sa café. Hindi ako sa kadalasang tea shop na pinupuntahan namin dumiretso. Sa isang coffee shop ako pumasok at hindi na ako nagulat pa nang nakita ko si Devon at Arshed na pumasok din nang maka-upo ako sa bakanteng mesa.

Devon called the server as she sat down in front of me. Si Arshed ay hindi pa umuupo. 

Tumikhim si Devon kaya sinipat ko ito at nakita kong nginuso niya si Arshed kaya umirap ako.

“Sit down, Officer Salvaleon,” Devon offered. Umirap ulit ako sa kawalan at nagsimulang inumin ang kapeng in-order ko nang ibaba iyon ng waiter sa mesa. Arshed ordered a coffee with different flavors from mine, dahil ang piloto at ang co-pilot ay hindi pwedeng magkapareho ang kinakain o iniinom, in case of emergency.  

I busied myself on my phone while we were spending our vacant time. Hindi ako nagsasalita. Tanging si Devon lang at si Arshed ang nag-uusap at hindi ako nakisali. Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan ng dalawa, pero ramdam ko ang panay na tingin ni Arshed sa akin.

“By the way, Captain, kailan pala ang balik ni Lieutenant sa Pinas?” biglang tanong ni Devon sa akin kaya bumaling din si Arshed sa gawi ko habang nakaabang pa ang baso nito sa bibig.

“Your ex-boyfriend is still here?” he asked, confused and... surprised. I was confused too. Why does he call Jardine my ex-boyfriend?

“Evet! Last week pa. Hindi mo nabalitaan kasi kung saan-saang lungga ka naman sumusuot, Officer!” (Yes!) Si Devon ang sumagot. “And Lieutenant Jardine is not her ex-boyfriend.” Nilingon ni Arshed si Devon bago ako ulit sinipat nang nakakunot ang noo bago uminom sa sariling kape nito.

“I thought you two broke up already,” he said, confused at parang sa sarili niya lang iyon sinabi. Kinunotan ko ng noo si Arshed.

“I don’t remember saying we broke up,” tipid na saad ko kaya napatitig din si Devon sa akin.

“I expect that you two will break up after your engagement with someone else.”

“Wait, what’s engagement—“ agad na alma ni Devon pero nakatitig kami ni Arshed sa isa’t isa, like he’s challenging me.

Coastline From The Sky- (COMPLETED)Where stories live. Discover now