Kabanata 13

53 2 0
                                    

Kabanata 13

Party

Mamayang alas sais ng gabi ang simula ng party na gaganapin sa isa sa mga hotel na pagmamay-ari ng pamilya ko sa Makati. Kaya alas tres pa lang ng hapon ay dumating na sa bahay ang mga makeup artists at designers na ni-hire ni Mommy para sa amin.

Si Ate Raia ang unang inayosan dahil hindi pa ako naliligo. Tinatamad talaga ako. Si Mommy naman ay sinimulan na ring ayosan ng sariling stylest nito.

I stared at my room’s ceiling, thinking deeply.

Why do I feel something strange right at this moment? Bakit parang ayaw ko talagang pumunta ngayon sa party? Pero binalaan na ako ni Mommy kanina simula pa lang nang magising ako. Para itong hindi mapakali kapag hindi ako napapagsabihan—the typical Caroline, na hindi kompleto ang araw kapag hindi ako nasisita at iniinis.

“Don’t try to do something stupid tonight, Carae,” huling saad ni Mommy sa akin kanina bago ito pumasok sa kwarto nila para ayosan.

I exhaled and slowly got up to take a shower. I need to get up before my mother storms inside my room and nags at me nonchantly. Just tonight, I’ll behave the way she wants. I won’t break what she’s going to say... just for tonight. Pagbibigyan ko siya sa gabing ito, basta huwag niya lang akong simulang ipahiya katulad ng lagi niyang ginagawa noon sa akin kapag may mga parties na dinadaluhan ng buong pamilya.

Pagkatapos kong maligo ay kinatok agad ako ng isa sa mga katulong para tanongin kong pwede na akong ayosan. Kaya nang tinangohan ko iyon ay pumasok na agad ang makeup artist na naka-assign sa akin at pati na rin ang stylist, dala ang isang malaking kahon na kulay gold na naglalaman ng magarang gown, kasunod nito ang katulong na may dalang box ng sapatos na susuotin ko.

Agad akong sinimulang ayosan. I find it cringe-worthy since I am not really into this kind of stuff. Iba pa rin para sa akin ang mga okasyong ina-attend-an ko na related sa trabaho ko, at sa mga okasyong related sa pamilya ko. This is just for socializing in an elite world, which is, I don’t belong.

Alas singko y medya nang natapos akong ayosan. My hair was in a windy, high bun with wisps. It combined the pure classic with a tender touch. Some of the strands were dropped, which makes my hair look even softer. It emphasized my image. At medyo nanibago pa ako sa hitsura ko dahil iba pa rin ang araw-araw na ayos ko sa airline, at kahit kapag uma-attend ako ng parties kung saan ako ang representative ng QIA.

I wore my dress and saw my reflection and thought it was overdone. Hindi ako ang pumili ng damit na susuotin ko, na pinagsisihan ko ngayon. Sana pala ako na lang ang pumili, o kaya tiningnan ko man lang ito bago ang party, pero ngayon ay wala na akong choice kun’di suotin ito. Kung ako lang ang papipiliin, iyong simpleng damit lang ang susuotin ko, not an elegant dress with an open back that complimented the wisps in my hair.

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga nang sa wakas ay natapos akong ayusan. Nasa sala na ang pamilya ko nang bumaba ako. Si Mommy ay naka-dress ng gulay itim at gold, simple but it added to her appearance to make her look more elegant. Si Ate Raia naman ay naka-silver na dress, elegante ring tingnan, hindi nga lang katulad ng sa akin na mukhang nasobrahan yata.

“Doesn’t this look exaggerated?” tanong ko nang suriin ko sila isa-isa. Nasa paanan na ako ng grand staircase namin. Cassimer walked towards me and offered his hand for me, kaya agad ko iyong tinanggap. I was wearing a six-inch ankle strap, but Cassimer is still taller than me.

“You looked dazzling, Ate.” I smile gently at Cassimer’s compliment.

“You looked extra handsome,” saad ko rin sa kanya at nagpa-alalay na.

My dress’s hem sashayed on the floor when I walked towards the sofa, where my family was waiting for me. My mother surveys me and smiles a little when she looks at me.

Coastline From The Sky- (COMPLETED)Where stories live. Discover now