Kabanata 04

84 4 0
                                    

 Kabanata 04

Vacation

Kinabukasan, maaga pa rin akong nagising kahit na puyat ako kagabi. Alas singko pa lang ng umaga kaya napagdesisyonan kong pupunta muna sa gym room para makapag-exercise, para naman magising na ng tuluyan ang diwa ko.

I put my earbuds on at agad na nagsimulang mag-warm up. Pagkatapos ay nagsimula na akong tumakbo sa treadmill. Nakatatlumpong-minuto rin ako bago ako lumapit sa upuan para kuhanin ang tubig ko.

Kasalukuyan akong umiinom nang nakita kong pumasok sa gym room si Arshed na naka-muscle tee at naka-jogger pants. I deliberately stare at him while he's doing his thing near the treadmill where I recently used.

His biceps and triceps are showing whenever he moves. Titig na titig ako kaya muntik pa akong mabilaokan nang biglang nagtama ang mga mata naming dalawa.

I coughed hard kaya tumigil si Arshed sa ginagawa at nagmadaling lumapit sa gawi ko. Hiyang-hiya pa ako dahil sa nangyari. Pota! Feeling ko may lumabas pa na tubig sa ilong ko!

"Are you okay now?" The worry in Arshed's voice is visible.

Umayos na ako pero ramdam ko pa rin ang kahihiyan sa sistema ko. Imagine, nabulunan ako dahil sa biglaang pagtama ng mga tingin namin. Ampota, nakakahiya! Bakit kasi panay ang titig, ei!

"I'm good." I cleared my throat again.

"You sure?" naninigurong tanong ni Arshed kaya sinamaan ko ito ng tingin para lang matakpan ang hiya ko.

"Yes, Mr. Salvaleon. Thank you for your concern," I sarcastically said, kaya nakita ko ang pagpipigil niya ng ngiti.

Mas lalo lang akong nakaramdam ng inis at hiya. Bwisit tinatawanan ako!

I turned my back and started fixing my things. Nakita ko pa rin sa peripheral vision ko na nakatayo pa si Arshed sa gilid ko. Kaya nang matapos ako ay umayos na ako ng tayo at hinarap siya.

"Do your things already, Officer Salvaleon, alas sais na, we still need to prepare for flight," I said professionally.

Arshed lick his lower lip kaya agad na nasgaw noon ang atensyon ko. Mabuti na lang at may narinig akong mga yapak papalapit sa pwesto namin.

"Excuse me, Captain Yara."

Nilingon ko ang babaeng lumapit sa direksiyon namin dahil sa pagtawag nito sa akin. Pero nakita ko kaagad ang pagdapo ng mga tingin nito sa kasama ko, kaya tumikhim ako.

"Yes?" seryosong tanong ko.

"Ah...” she snapped back. “You were called at the office," saad nito at binalik ang tingin kay Arshed kaya tumango na lang ako.

"Okay," maikling sagot ko at umalis na doon.

Hindi na ako nagpaalam kay Arshed kasi busy na rin naman ito sa katitigan.

Dumiritso ako sa room ko at agad na nagligo at nag-ayos sa sarili. Naka-puting long sleeve pa ako na naka-tuck in sa slacks nang lumabas ako ng kwarto. Hindi muna ako nagsuot ng uniform dahil mamaya pa namang alas otso ang biyahe namin.

Pagpasok ko sa opisina ay agad kong nakita ang head HR namin na naka-upo sa swivel chair nito.

"Good morning, Sir," I greeted as I stand in front of the table.

"Good morning, Captain Yara, you may sit down. We're going to talk about your vacation Monopoli."

Hindi pa ako nakaupo ng maayos nang natigilan ako sa narinig.

"Vacation? I haven't sent a letter for a vacation, Sir," naguguluhang saad ko. Bahagyang natawa si Sir Jansen dahil sa sinabi ko.

"It's not a normal vacation, Captain; it's about you being an ambassadress of our airline. Anyway, isang linggo lang naman iyon. You're going to represents the QIA in Denmark."

Coastline From The Sky- (COMPLETED)Where stories live. Discover now