Kabanata 06

68 3 0
                                    

Kabanata 06

Call

Nakauwi na ako galing trip sa Denmark at dumiritso ako sa condo unit para makapagpahinga ako ng mabuti. Pagod ang katawan ko dahil sa lakad na paroo’t-parito kaya gusto kong magpahinga. Pagdating ko kanina sa alley ay wala ang eroplanong pinapalipad ko. Alam ko agad na nasa biyahe pa ang mga ito kaya hindi muna ako makukulit ni Devon ngayon.

Alas cuatro pa ng hapon kaya napagpasyahan kong umidlip na lang muna. Kaya nang matapos akong magbihis ay agad akong humiga sa kama. Masyadong marami ang ginawa namin sa Denmark kaya pagod na pagod ako. Hindi na ako nasanay sa trabaho. Pero kahit na nakakapagod ay masaya naman ako, nag-enjoy sa mga ginagawa namin lalo na kapag nagpupunta kami sa mga tourist spot na noon ko lang napuntahan.

Hindi pa man tuluyang nakatulog ang diwa ko ay narinig ko na naman ang pagtunog ng cellphone para sa isang tawag.

Bumuntong hininga ako at ipinikit ang mga mata. Babalewalain ko na lang iyon, because for sure it's either Cassimer nor my mother's call.

Namatay ang tawag pero nag-ring lang ulit iyon. Bumuga ulit ako ng hangin bago tamad na bumangon at lumapit sa console table na nasa loob ng kwarto ko. I saw my older sister's name flashing on the screen.

Raia is calling...

I rolled my eyes heavenwards before I decided to answer the call. Bubuka pa lang sana ang bibig ko pero agad na nagsalita si Ate Raia sa kabilang linya.

"Carae, I already sent you the design of your gown. Tell me if you have something to change about it," bungad ni Ate Raia. Napapikit na lang ako at kinalma ang sarili.

Kakauwi ko lang at hindi pa ako nakakapagpahinga tapos ito ang isasalubong niya sa akin. Hindi man lang magawang mag-hello at mangumusta.

Well, what do you expect from a busy woman like her anyway? Mabuti at may oras pa siya tungkol sa isusuot ko sa anniversary, e pagkakaalam ko busy ito sa pag-handle sa isa naming kompanya, samantalang si Cassimer naman ay busy sa pagpapatakbo ng Hotel and Restaurant na pagmamay-ari nito sa Davao.

"Ate Raia, I am not sure yet if I can attend to—"

"Carae, hindi ako tumawag para makinig sa mga excuses mo. Ang sadya ko ay ang tungkol sa susuotin mo. And who told you that you have another choice? Didn't mommy already say that you will attend? Don't you think mommy isn't serious about her threat to you?" putol niya sa sasabihin ko.

I clenched my jaw in irritation.

"Ate—"

"Iyon lang ang sadya ko. Mommy and daddy expect you to come here, Carae, don't test their patience. Tama na iyang pagsusuway mo sa kanila." Tsaka nito pinatay ang tawag.

Inis na bumuga ako ng hangin. What a nice family I have.

"Bravo, Carlisle Adria Rae!" I laughed myself sarcastically.

Hinagis ko ang cellphone sa kama at nagpasyang mag-ayos na lang. Hindi rin naman ako makakapagpahinga dahil sa dami ng mga iniisip.

Pagkatapos maligo ay inayos ko muna ang mga gamit kong nasa luggage at nilagay sa closet bago ako nagpasyang tatambay na lang sa rooftop pagkatapos. Nag-ayos din ako ng mga damit na dadalhin sa biyahe sa susunod na linggo. Babalik na ako sa trabaho at balik na ulit sa dati ang schedule ko.

Sampung minuto lang na biyahe ang distansiya ng condo ko sa DIA kaya ako nag-condo. May sasakyan din naman ako kaya hindi ako mahihirapan at ma-late kung sakaling matagalan. Minsan lang talaga akong nag-e-stay sa DIA building kapag pagod na pagod ako sa biyahe at tinatamad na akong magmaneho.

Coastline From The Sky- (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon