BLURB+Author's Note

528 16 3
                                    

Simula high school, ginawa ni Rayder ang lahat para iwasan ang makulit niyang tagahanga na si Sunshine. Naiinis siya sa mga kabaliwan nito para lang mapansin niya. Kahit lagi niya itong tinataboy, lagi naman siya nitong sinusundan. Wala rin epekto ang pagsusungit niya rito. Sa halip, tutumbasan nito ng matamis na ngiti ang talim ng kaniyang mga tingin. Natahimik lang ang buhay niya nang manirahan sa America ang kaniyang pamilya.

Pagkalipas ng sampung taon, bumalik si Rayder sa Pilipinas at muling nag-krus ang kanilang landas. Sa muli nilang pagkikita isa lang ang napagtanto niya, ang Sunshine na baliw sa kaniya noon ay ibang tao na ngayon. Naglaho ang matamis nitong ngiti at napalitan ng seryosong mga tingin. Tila balewala na siya sa dalaga na unti-unting bumago sa damdamin niya.

May pag-asa pa bang mabawi ang dati nitong pagmamahal sa kaniya kung si Sunshine ang bagong kinakasama ng lolo niya?

Paano niya pakikisamahan ang bagong Sunshine kung magkakasama sila sa iisang bahay?

Malaman niya kaya ang dahilan kung bakit nawala ang kinang ni Sunshine?

***
Ang kwentong ito ay pawang kathang isip ng may akda, anumang pagkakatulad ng pangalan, lugar, okasyon at iba pa sa totoong buhay o patay ay nagkataon lamang.

Ito ay nabuo sa malikot kong imahinasyon. Kung mayroong errors, sa grammar man o typos, ipagpaumanhin niyo. Ako ay hindi batikang manunulat at nagsusulat lamang ayon sa aking kagustuhan. Kung kagustuhan niyo itong basahin, walang pumipigil. Go lang. Hehe!

Pwede kayong magkomento para maging maayos pa ang aking istilo. Pakiusap ko lang, huwag niyo naman i-copy paste. Ipaalam niyo sakin, mabait naman ako kausap basta masinsinan. Hehe!

Maraming salamat sa pang-unawa at sa darating na suporta.❤️❤️❤️

PLAGIARISM - is a crime

Enjoy reading my madlang readers. Don't forget to votes, comments, share and follow me @MaybelAbutar😉 Lavlats.

When Sunshine faded its shineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon