Chapter 21

190 13 1
                                    

Hindi umalis si Rayder sa punong tinatambayan nila ni Sunshine. Iniwan siya roon ng dalaga matapos niyang sabihin ang pagmamahal niya para rito. Binigyan niya ito ng oras para mag-isip, pero dumidilim na ang paligid hindi pa rin ito bumabalik. Nakatingin lang siya sa daang tinahak ni Sunshine. Ilang oras na siyang naghihintay roon pero hindi pa rin lumilitaw ang bulto nito. Gusto niya itong sundan kanina, pero pinigil niya ang sarili. Marahil naguguluhan lang si Sunshine at kailangan nitong mag-isip muna.

"Sir, hindi pa ba tayo aalis?" tanong ni Amsterdam kay Rayder.

"No. Hihintayin kong bumalik si Sunshine."

"Umalis na raw si Lady Sun ayon kay Mang Austin. Hindi na raw ito babalik sa mansiyon kaya umalis na rin tayo. Si Manong Austin na lang ang narito kasama sina Luffy, Zoro at Nami," tukoy nito sa pangalan ng mga tigre.

"No. Alam kong babalik siya."

Nabuhayan ng loob si Rayder nang mapansin ang pagkaluskos ng mga halaman sa tinitignan niyang daan. Pinagmasdan niyang mabuti ang palapit na bulto. Nahirapan siyang tukuyin kung sino iyon dahil sa dilim ng paligid. Pero naalerto siya nang makitang unti-unting dumadami ang isang bulto at pinalibutan sila.

"Sh*t! Kalaban!" saad ni Amsterdam. Mabilis itong kumilos para protektahan siya.

Walang sinayang na pagkakataon ang mga kalaban para umatake. Sabay-sabay itong sumugod sa kanila ni Amsterdam. Magkatalikuran naman sila upang dumepensa sa kalaban, pero nagkahiwalay din habang tumatagal ang laban. Marunong lumaban si Rayder, pero hindi sapat ang lakas niya para tapatan ang lakas at dami ng mga kalaban nila. Natatamaan pa rin siya ng patalim ng mga ito.

"D*mmit!" reklamo niya nang tamaan sa pisngi. Mayroon na rin siyang sugat sa katawan at mga braso, pero hindi pa rin tumitigil ang mga kalaban sa pag-atake.

Magkasabay na sumugod ang dalawang kalaban sa kaniya. Nakaiwas siya sa patalim ng una at nagawa naman niyang agawin ang patalim ng pangalawa. Ginamit niya iyon sa pag-atake. Kaagad niyang winasiwas ang patalim nang makitang nagpakawala ng sipa ang unang kalaban. Tinamaan ito ng patalim na nagpa-atras dito. Hindi naman sumuko ang mga kalaban. Salitan na sumusugod ang mga ito at minsan ay sabay-sabay pa. Dehado sila sa dami ng mga ito at dehado pa rin sila dahil tila bihasa kumilos sa dilim ang mga kalaban. May pagkakataon na mawawala ang mga ito at bigla na lang lilitaw mula sa iba't-ibang direks'yon.

"Sir, mag-iingat ka. Mga assassin sila!" babala ni Amsterdam. Mas marami itong kalaban kaysa sa kaniya.

"Yeah, I know," sagot niya sabay sipa sa ikalawang lalaki. May hinala na rin siya na assassin ang mga kalaban. Kitang-kita naman iyon sa mabibilis nitong kilos na animo'y kaisa ng dilim. Kadiliman ang kalakasan ng mga assassin.

Nagtaka si Rayder nang unti-unting nawawala ang mga kalaban sa harapan niya. Hindi naman siya nakampante sa pag-aakalang lilitaw muli ang mga ito mula sa iba't-ibang direks'yon. Ngunit ang paghihintay niya ay tumagal ng ilang minuto. Hanggang maramdaman niya ang mabilis na pagkilos sa gilid niya. Sunod niyang nakita ay ang dumadaing na kalaban sa harapan niya.

"W-What the..." Hindi niya maituloy ang dapat sabihin dahil sa pagkabigla. Sunod-sunod ang nangyayaring pagtilapon ng mga kalaban sa harapan niya, pero hindi niya nakikita ang may kagagawan niyon. Nararamdaman niya lang ang mabilis nitong pagkilos na parang isang hangin.

"Sir..." Lumapit sa kaniya si Amsterdam. Hindi bumababa ang depensa nito sa p'wedeng mangyari. "May umuubos sa mga kalaban. Hindi ko sigurado kung kalaban din siya o kakampi. Mas mabuting maging alerto tayo," saad nito.

Tama si Amsterdam. Hindi sila dapat makampante dahil may umuubos ng mga kalaban para sa kanila. Mas dapat silang maalerto dahil mas delikadong tao ang dumating. Hanggat hindi sila sigurado na kakampi ito, mananatili ang hinala nilang kalaban ito.

When Sunshine faded its shineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن