Chapter 19

202 14 0
                                    

Malaki ang pagbabago sa samahan ni Rayder at Sunshine simula nang bumalik sila sa mansiyon ilang araw na ang nakakaraan. Hindi sinayang ni Rayder ang pagkatataon at agad niligawan si Sunshine kahit hindi pabor ang kaniyang ina. Ang mahalaga sa kaniya ay may bendisyon iyon ng lolo niya.

Isang umaga, napagbuksan ni Rayder ng pintuan si Sunshine sa labas ng kaniyang kuwarto.

"Good morning!" Nakangiti nitong bati. Kay aga-aga ngiti agad nito ang sumalubong sa kaniya. Kaya ngumiti rin siya at sinagot ng yakap ang bati nito. Hinalikan pa niya sa sentido si Sunshine at sinubsob ang mukha sa pagitan ng balikat at leeg nito.

Nanatiling nakatayo si Sunshine at hinayaan siya sa ginagawang paglalambing. Natutuwa siya sa pagbabagong iyon ni Sunshine. Hindi ito ang Sunshine na sobrang baliw sa kaniya at hindi rin ito ang Lady Sun na nakilala niya. Parang kumbinasyon ito ng Sunshine noon at Lady Sun ngayon. Madalas na rin itong ngumiti taliwas sa inaasahan niya. Ayaw man niyang mabaon ito sa lungkot, pero nakapagtataka ang bilis ng pag-recover nito sa nangyari. Marahil isa iyon sa ugaling tinataglay ni Sunshine. Hindi ito nagkukulong sa isang sitwasyon na alam nitong hindi magdudulot ng maganda rito.

"Labas tayo," muli nitong sabi.

Nag-angat ng tingin si Rayder, pero hindi niya inalis ang dalawang braso sa baywang ni Sunshine.

"Iniimbitahan mo ba ako sa isang date?" pilyo niyang tanong habang nakangiti. Kung sakali, ito ang unang beses na lalabas sila ng mansiyon pagkalabas nito sa ospital.

"Oo, pero may kasama tayo."

Kumunot ang noo ni Rayder. Hindi ko ba masosolo ang date na ito? Reklamo ng isip niya.

"Sino?" tanong na lang niya.

"Makikilala mo sila mamaya. Mag-ready ka na. Hihintayin kita sa living room."

"Ayoko na. May kasama pala tayo. Dito na lang tayo sa mansiyon. Masosolo pa kita. Movie marathon na lang tayo sa theater room." Muli niyang sinubsob ang mukha sa balikat nito. Nasanay na siyang gawin iyon para malanghap ang nakaka-adik na amoy ni Sunshine na nagpapabaliw sa kaniya.

Bahagya naman siyang itinulak ni Sunshine. Kinulong nito sa mga palad ang mukha niya. Marahan nitong pinisil iyon habang nakangiti.

"Minsan lang 'to, kaya samantalahin mo na. Kilos na." Pinanggigilan nito ang kaniyang pisngi bago bitiwan.

Pilyo namang ngumiti si Rayder. Dumukwang siya palapit kay Sunshine at mabilis itong hinalikan sa labi. "Sige, magpapalit lang ako." Kumindat pa siya sa natulalang dalaga bago muling pumasok sa silid.

Mabilis siyang nagpalit ng damit dahil kaliligo lang naman niya. He chose to wear a simple black button ups long sleeve with a pair of brown chinos and leather sneakers. He intentionally messed his hair to be more appealing. Before leaving his room, he picked one of his aviators and hang it on his chest. Hindi naman halata sa kaniya na excited siya sa unang date nila ni Sunshine kahit may kasama sila.

Pagdating sa living room, nakita niya si Sunshine na nakaupo sa sofa habang seryosong nakatingin sa hawak na cellphone.

"I'm ready!" saad niya para kunin ang atensiyon nito.

Nang bumaling ang tingin nito sa kaniya, sinadya niyang gandahan ang paglalakad para magpa-impressed. Alam niya naman sa sarili na guwapo siya. Kahit normal na kilos, may mahuhumaling pa rin sa kaniya. Pero pagdating kay Sunshine, nawawalan siya ng tiwala sa sariling karisma. Parang kailangan niyang mag-double effort para lang pansinin nito.

"No need to do that. You look great without making any effort. You're natural." Nakangiti nitong sabi.

Bumalik naman ang kumpiyansa sa sarili ni Rayder sa sinabi ni Sunshine. Lalo pa't nakikita niya ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Eyes can't lie.

When Sunshine faded its shineWhere stories live. Discover now