Chapter 4

228 14 1
                                    

Pinapanood ni Rayder ang ekspertong pagkilos ni Sunshine habang inaalis ang bala sa katawan ni Amsterdam. Hindi niya man lang nakitaan ng kahit anong takot ang dalaga. Parang sanay na itong gawin ang ganoong bagay. Kahit isang emosyon ay wala ito hanggang matapos sa ginagawa.

"Rest for a while and leave my house. You can't stay here overnight," saad ni Sunshine habang nililikom ang mga gamit sa panggagamot at inilagay sa isang tabi.

"Thank you," saad ni Amsterdam.

Nilibot ni Rayder ang tingin sa bahay na pinagdalhan sa kanila ni Sunshine. Maliit lang iyon pero napapalibutan ng pader na bakod. Nepa-hut ang bubong ng bahay na nababalutan ng itim na net. Kahoy at dikit-dikit na kawayan naman ang dingding. Sa loob naman ay isang higaan, mesa at mahabang upuan lang ang nakikita niya. Halatang luma na ang mga iyon at puno rin ng alikabok.

"Let's talk about the deal. I want to buy this land," saad ni Rayder bago ibalik ang tingin kay Sunshine.

"Fifty million. Deposit the money to this account within this week." Ibinigay nito ang nakatuping papel sa kaniya. Kinuha naman iyon ni Amsterdam at binuksan. Pinakita nito sa kaniya ang nakasulat sa papel na bahagya niya lang tinignan. Bank account iyon na nakapangalan sa ibang tao.

"Ikaw ba talaga ang may-ari ng lupang ito?" naghihinala niyang tanong.

"Kung pinagdududahan mo ako, makakaalis na kayo."

Kinuha ni Rayder ang papel kay Amsterdam. Tumayo siya at lumapit kay Sunshine. Isang metro ang layo nang tumigil siya at iniharap ang papel dito.

"Sino si Gasser Dagnall? Ano ang kaugnayan mo sa kaniya? Bakit sa ibang lalaki mo ipapadala ang pera?"

Bahagyang sumulyap si Sunshine sa hawak niyang papel at muling tumingin sa kaniya. Bahagya pa itong tumingala para pantayan ang tingin niya. Hindi niya ito nakitaan ng pangamba kahit halos kalahati ng bulto niya ang katawan nito.

"Hindi ko kailangan sagutin ang tanong na walang kinalaman sa magiging kasunduan natin, Mr. Angeles. Bibilhin mo ang lupa at i-deposit mo ang pera sa bank account na gusto ko."

Ibinaba niya ang kamay na may hawak na papel. "Lady Sun, alam ba ito ni Lolo?"

Nasaksihan ni Rayder ang pagdaan ng emosyon sa mga mata ni Sunshine. Sa isang kisap-mata, bigla rin 'yong naglaho. Ngunit sigurado siya sa nakita, may pangambang dumaan sa mga mata nito.

"Siya ba ang dahilan kaya mawawala ka ng tatlong araw sa mansiyon? Niloloko mo ba si Lolo?" muli niyang tanong.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," sagot nito na hindi nag-iiwas ng tingin sa kaniya.

Ngumisi si Rayder kay Sunshine. Hindi naman nagbago ang walang buhay na mga mata ni Sunshine habang ang mga mata ni Rayder ay puno ng pang-aakusa sa dalaga.

"Hindi ko alam kung ano ang meron ka at pinatulan ka ni Lolo. Hindi ko rin alam ang tumatakbo sa isip mo at pumatol ka sa triple ang edad sa 'yo. Malaki ang tiwala sa 'yo ni Lolo para bigyan ka ng karapatan magdesisyon sa loob ng mansiyon. Pero kapag napatunayan kong niloloko mo si Lolo, ako mismo ang kakaladkad sa 'yo palabas ng mansiyon," seryoso niyang pagbabanta rito, pero hindi niya man lang nakitaan ng kahit anong pagkabahala ang mga mata nito.

"Fifty million. Deposit the money within this week. The deal will be void if you failed to comply my condition."

"Let me see the documents first. Kailangan kong masiguro na walang problema sa pagbili ko ng lupa. Hindi ako basta-basta nagbibitaw ng pera kahit kilala ko ang may-ari. Give and take pagdating sa negosyo," pormal niyang sabi tulad ng isang magaling na negosyante.

"Hindi ko dala ang mga dokumento ngayon. May magdadala sa 'yo lahat ng mga kailangan mo kapag naipadala mo na ang pera sa account na ibinigay ko."

Masusing pinagmasdan ni Rayder si Sunshine. Nahihimigan niya ang pagmamadali sa boses nito. Humalukipkip siya sa harapan nito na nagbibigay ng maawtoridad na awra sa kaniya.

When Sunshine faded its shineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon