Chapter 18

205 12 0
                                    

Umaga na nang dumating sa mansiyon si Rayder at Sunshine. Dala ni Sunshine ang puting jar kung saan nakalagay ang mga abo ni Sonson. Wala itong kahit anong reaksiyon nang tanggapin ang jar mula kay Amsterdam. Yakap lang nito iyon at hindi binibitiwan.

Pagpasok sa mansiyon, sinalubong agad si Rayder ng mommy niya. Halata ang pagkabalisa sa itsura nito at nangingitim pa ang ilalim ng mga mata. Nagtaka si Rayder nang balewalain nito si Sunshine. Parang hindi nito nakita ang dalaga na nakatayo sa tabi niya habang nasa likuran naman niya si Amsterdam.

"Mom—"

"Rayder, get your things ready. We're going back to America now!" may pagmamadali nitong sabi.

Napansin ni Rayder ang takot sa mga mata ng kaniyang ina. Hinawakan niya ang kamay nito—nanlalamig iyon. "Is there something wrong? What happened?"

"I can't tell you, son. J-Just, prepare your things. We're leaving the country."

Marahang hinaplos ni Rayder ang magkabilang balikat ng ina. "Mom, I know you're tired. Take a rest, okay? Pupuntahan ko lang si Lolo."

"No!" Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya para pigilan umalis. "N-Nagpapahinga siya."

Kumunot ang noo ni Rayder. Mataman niyang pinagmasdan ang ina. Umiwas naman ito ng tingin sa kaniya.

"Tell me the truth. Bakit gusto mong umalis tayo ng bansa? Hindi pa tapos ang five months' vacation natin. Naiinip ka na ba rito?"

Nakita ni Rayder ang pag-aalinlangan sa mukha ng ina. Ngayon niya lang nakitang ganito ang mommy niya kaya nasisiguro niyang may kinakaharap itong problema.

"Gusto kasing mamasyal ng mommy mo, anak," saad ng bagong dating na si Lurjan. May hawak itong coffee mug at marahang umiinom doon. "Kaya binigyan siya ng world tour ng lolo mo. Nalulungkot lang ang mommy mo at gusto ka niyang isama, pero alam kong hindi ka aalis. Tama ba?" Makahulugan pa itong sumulyap kay Sunshine bago ngumisi sa kaniya.

Hindi niya talaga gusto kapag ngumingisi ang daddy niya. Parang may lagi itong binabalak sa ngising iyon. Pero, hindi siya sasalungat sa sinabi nito. Hindi pa siya puwedeng umalis ng bansa. Marami pa siyang dapat gawin doon at plano niyang e-extend ng ilang buwan ang bakasyon.

"He's right, mom. Why don't you accept the world tour that Lolo offers you? Try to ask your friend to give you some company. I know you'll love it."

Lumapit si Lurjan sa kanila. Umakbay ito sa mommy niya. Nakita ni Rayder ang pagkislot ng ina sa hawak ng kaniyang ama. Nangilid din ang luha nito sa hindi malamang dahilan. Bago pa niya tanungin ang ina, narinig na niya ang boses ng lolo niya.

"Mabuti nakauwi na kayo. Salamat sa ginawa mo para kay Lady Sun, apo."

Bumaling siya rito. Marahan itong naglalakad habang nakangiti kasama si Sage.

"Walang anuman, Lo."

Naging malungkot naman ang itsura ng matanda nang bumaling kay Sunshine. "My condolences, Lady Sun. Sonson is now in paradise with your whole family. Don't worry, I'm still here. Hindi kita pababayaan. Tanggapin na lang natin sa sarili na ang buhay ay hindi permanente. May mauuna at mahuhuli, pero alam kong hindi iyon ang huling pagkakataon na makakasama mo siya." Niyakap ng senior si Sunshine na hindi kumikilos sa kinatatayuan. Yakap lang nito ang jar at hindi nagsasalita. "Magpahinga ka lang at bumawi ng lakas. Ako na ang bahalang maglinis ng pangalan mo sa mga pulis tungkol sa nangyari bago ang aksidente ni Sonson," dugtong ng matanda bago bitiwan si Sunshine.

Nakatingin lang si Rayder sa ginawa ng lolo niya. Wala siyang nakikitang kahina-hinala sa kilos nito. Ang tangi niyang nakikita ay ang mabait at maunawain niyang lolo. Mas napansin pa niya ang ginawa nitong pagyakap kay Sunshine. Pero sa kabila niyon, wala siyang naramdamang selos. Siguro dahil lolo niya ito o hindi niya lang nakikita na may kakaiba sa yakap ng lolo niya. Parang yumakap lang ito sa isang kakilala na matagal nang hindi nakikita.

When Sunshine faded its shineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora