Chapter 12

191 12 1
                                    

Inaasahan na ni Sunshine ang panibagong parusa nang marinig ng senior ang usapan nila ni Rayder sa garden. Muling humagupit ang latigo sa kaniyang likuran pagbalik niya sa basement. Si Sage ang humahagupit sa kaniya habang pinapanood iyon ng senior. Napunit ang itim niyang long sleeve sa sunod-sunod na hagupit ni Sage. Tila namanhid ang kaniyang katawan sa panibagong sakit na naramdaman. Hindi na niya mabilang kung ilang beses dumikit ang latigo sa likod niya. Tumigil lang ito sa pagpaparusa sa kaniya nang tuluyang bumagsak ang katawan niya sa sahig.

Lumapit ang senior sa kaniya. Itinuon nito ang tungkod sa kaniyang pisngi.

"Alam ko ang plano mo, Lady Sun. Gusto mong makakuha ng malaking pera para takasan ako. Hindi mo magagawa iyon gamit ang kapirasong lupain ng mga magulang mo. Alam mo kung bakit, huh?" Idiniin nito ang tungkod sa pisngi niya. Napadaing naman siya sa sakit. Nalasahan niya rin ang kalawang tanda ng pagdugo ng kaniyang bibig. "Dahil walang sinuman sa pamilya ni Saruwi ang makakatakas sa mga kamay ko. Ako ang magdidikta sa kapalaran niyo. Naiintindihan mo ba?" Isang diin ang ginawa nito sa tungkod bago alisin sa pisngi niya.

Pinilit naman niyang bumangon at tumingin sa senior. "B-Bakit mo ginagawa ang bagay na ito sa pamilya ko?"

Isang hampas ng tungkod ang natamo ni Sunshine mula sa matanda. Muli siyang bumagsak sa sahig nang tumama iyon sa kaniyang mukha.

"Binigyan ba kita ng permiso para magtanong? Wala kang karapatan magsalita nang wala ang pahintulot ko!"

Hindi naman nakinig si Sunshine. Pinilit niya pa rin bumangon at matapang na tumingin sa matanda. "I-Ikaw ang may kasalanan kaya namatay ang lolo at lola ko. I-Ikaw rin ang may kasalanan kaya naaksidente ang mga magulang ko. I-Ikaw rin ang nagbigay ng gamot kaya nabulag ang kapatid ko. I-Ikaw rin ang may kagagawan kaya naging miresable ang buhay ko. Ano pa ba ang hindi mo nagagawa para tigilan mo ang pamilya ko?!" sigaw niya sa matanda gamit ang lakas na meron siya. Hindi niya rin napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha dahil sa galit. "I-Isa lang naman ang gusto ko, ang makasama ang kapatid ko at bigyan siya ng normal na buhay. G-Gusto kong mamuhay kami ng normal. B-Bakit pinagkakait mo iyon sa amin? Bakit, Senior? Bakit?!"

Ngumisi ang matanda na nagpasiklab sa galit ni Sunshine. Gusto niya itong saktan at parusahan tulad ng ginagawa nito sa kaniya, pero pinipigilan siya ng sitwasyon nilang magkapatid. Hindi niya magagalaw ang matanda hanggat hindi niya nasisiguro ang kaligtasan ni Sonson. Buhay nito ang nagpipigil sa pagkataong gustong kumawala sa kaniya.

"Isang kasalanan na naging apo ka ni Saruwi—ang sampid na kumuha ng lahat-lahat sa akin. Kinuha niya ang atensiyon at pagmamahal ng mga magulang ko. Naging estranghero ako sa sarili kong pamilya. Kinuha niya rin ang pagmamahal ng nag-iisang babaeng mahal ko. Hindi lang 'yon, kinuha pa niya ang kayamanan na dapat sa akin. Kinuha niya ang lahat sa akin kaya kukunin ko rin ang lahat sa kaniya. Pagbabayarin ko ang lahat ng kalahi niya!"

"Matagal ng patay si Lolo. Nakikiusap ako, palayain mo na kami ng kapatid ko." Lumuhod si Sunshine sa harapan ng matanda. Binalewala niya ang sakit ng kaniyang mga sugat at paulit-ulit na yumuko rito. Gagawin niya ang lahat alang-alang sa kapatid niya, pero isang sipa mula kay Sage ang nagpatigil sa kaniya.

"Walang magagawa ang pagmamakaawa mo, Lady Sun. Maliligtas mo lang ang kapatid mo kung lagi kang susunod sa pinag-uutos ko. Huwag na huwag mong paiinitin ang ulo ko dahil kung hindi, masasaksihan mo ang paghihirap ng kapatid mo!" saad ng matanda.

Nanatiling nakahiga sa sahig si Sunshine habang tahimik na lumuha. Awang-awa siya sa kaniyang kapatid. Wala siyang magawa para itakas ito sa nararanasang hirap. Mas lalo niya lang itong pinapahirapan sa mga palpak niyang pagtakas.

"Senior, sa tingin ko po magtatanda na siya sa mga ginawa natin. Kailangan na po nating lumabas. May mga pulis po sa mansiyon," saad ni Sage.

"Ano'ng ginagawa ng mga pulis dito? Nalaman ba nila ang mga sekreto nating transaksiyon?"

When Sunshine faded its shineHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin