Chapter 2

239 20 4
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Rayder sa nangyari kagabi. Ang kaguluhan sa isip niya ay dala pa rin niya hanggang sa hapagkainan. Magkakasabay silang kumain ng agahan kasama ang pamilya ng tito niya. Kasama nito ang asawa at sampung taong gulang na anak na babae. Naroon din ang ibang pinsan ng mommy niya at s'yempre hindi mawawala si Sunshine na tahimik na nakaupo. Parang nakatuon lang ang pansin nito sa iisang direksyon at walang pakialam sa paligid. Kanina niya pa itong pinagmamasdan. Nagtataka siya kung ito nga ba ang Sunshine na schoolmate niya noon o ibang tao ito. Sa totoo lang, malaki ang pinagbago nito sa lahat ng bagay. Sa pananamit, sa itsura at lalo na sa kilos. Aminado siyang mas desente at presentable ang itsura nito ngayon kumpara noong high-school sila.

"Dad, I want to host a party before your birthday," saad ni Rena, ang mommy ni Rayder.

"What for?" tanong ni Senior Rajar.

"To reunite with my friends and of course, Rayder's friend. Sampung taon kaming nawala sa Pilipinas kaya alam kong namimiss na rin ni Rayder ang mga kaibigan niya. Right, son?"

Bumaling naman ang tingin ni Rayder sa ina. "It's not necessary to host a party, mom. I can see them anytime I want," sagot niya.

"Itong anak ko talaga sobrang mahiyain. Ayos lang naman iyon sa lolo mo, 'di ba, dad?"

"Pumayag ka na, daddy. Minsan lang umuwi si Ate Rena at Rayder sa Pilipinas. Selebrasyon na rin iyon ng pagiging matagumpay ni Rayder sa America," sang-ayon ng tito Rico ni Rayder.

"Sang-ayon din ako, uncle Rajar. Baka makatulong pa iyon sa negosyo ni Rayder para magkaroon ng branch dito sa Pinas," saad ni Wanton, isa sa mga pinsan ni Rena.

Ibinaba ni Senior Rajar ang hawak na kubyertos. Uminom ito at marahang dinampian ng table napkin ang gilid ng labi.

"I don't mind about it..." sagot nito na ikinatuwa ni Rena. "But you need Lady Sun's permission before hosting a party. She's not comfortable with the noise and maybe she doesn't want a party in this house."

Sa sinabing iyon ni Senior Rajar, bumaling ang tingin ng lahat kay Sunshine. Marahil naramdaman nito ang atensyon ng lahat kaya tumigil ito sa pagkain bago uminom ng tubig.

"Use the garden for your party and avoid anyone to enter the house," sagot ni Sunshine nang hindi tumitingin isa man sa mga kasama sa mesa.

Tumawa naman si Rena. Taas kilay itong nakatingin kay Sunshine. Mapanuri ang boses nito nang magsalita, "Who are you again? Why should I need to ask your permission? Tell me, are you my mother?"

"You heard Lady Sun, Rena. It's your decision to take it or not. I'm done with my breakfast. I need to rest again," saad ni Senior Rajar.

"Ihahatid na kita sa kuwarto mo, uncle," presenta ni Wanton.

"No need, Wanton. Lady Sun is with me," pigil ng matanda sa pamangkin.

Nang tumayo si Senior Rajar, tumayo na rin si Sunshine. Nilapitan nito ang matanda at inalalayan palabas ng hapagkainan.

"Oh, before I forgot..." muling baling ni Senior Rajar sa mga naiwan sa mesa. "Don't enter my room. If you need anything, tell it to Lady Sun," saad nito bago tuluyang umalis kasama si Sunshine.

Nagpupuyos naman ang dibdib ni Rena sa naging pakikitungo ng sariling ama nito.

"Pakiramdam ko mas mahalaga ang babaeng iyon kaysa sa atin na pamilya niya. Ano bang nangyayari kay daddy?" saad ni Rico.

"Nahihibang na siya, Rico. Hindi niya ba kilala ang babaeng 'yon? She's a freak! Siya ang dahilan kaya tumigil si Rayder sa pag-aaral at umalis ng bansa. Dapat matauhan si Dad sa intensyon ng babaeng 'yon!" sagot ni Rena.

When Sunshine faded its shineWhere stories live. Discover now