Epilogue

357 19 13
                                    

Pinagmamasdan ni Sunshine ang eroplano sa himpapawid habang nakahiga sa damuhan. Katabi niya ang tatlong tigre na hindi umaalis sa tabi niya simula nang lumabas siya sa ospital—isang buwan na ang nakakaraan. Nanatili siya sa natitirang ari-arian ng kaniyang pamilya kasama si Manong Austin.

Naramdaman niya ang paglapit ni Manong Austin, pero hindi siya nag-abalang tumingin dito.

"Nalulungkot ka ba ngayong nakaalis na siya?" tanong nito.

Hindi na nito kailangan tumukoy ng pangalan dahil alam niyang si Rayder ang tinutukoy nito. Ngayon ang araw na babalik si Rayder sa America matapos ang libing ng lolo nito.

"Nalulungkot. Sana nagpaalam siya 'di ba? Simula nang ma-ospital ako hanggang makalabas, hindi siya nagpakita sa akin. Pero, may parte sa sarili ko na nauunawaan ko ang ginawa niya. Kung sa akin nangyari ang pinagdadaanan niya, mahihirapan din akong harapin siya."

"Sunod-sunod ang naging dagok sa pamilya niya nang mapatunayang guilty si Senior Rajar. Namatay ang senior, kinuha ng kinauukulan ang mga ari-arian nito at pinasara ang mga negosyo. Kahit sarili nilang bahay, nawala rin sa kanila."

"Hindi kasi sa kanila ang bahay na iyon. Isa iyon sa kinamkam ni Senior Rajar sa lolo ko. Binawi lang ng kinauukulan ang mga ninakaw ni Senior," sagot ni Sunshine.

"Ano ang plano mong gawin sa perang ibabalik sa pamilya mo? Ikaw na lang ang natitirang Gerilla at bilyon-bilyon ang perang mapupunta sa 'yo."

Umayos ng upo si Sunshine nang mawala sa paningin niya ang eroplano sa himpapawid. Humarap siya kay Manong Austin at ngumiti.

"Magbibigay ako ng pondo sa DSWD para sa bagong orphanage ng mga batang nasagip sa Homed Orphanage. Bibigyan ko rin ang mga empleyadong naapektuhan sa pagsasara ng Jandusay Warehouse. Ang natitirang pera ay para sa gastusin ng mga bata hanggang makatapos sila ng pag-aaral. Deserve nila ang magkaroon ng magandang buhay."

"Napakabuti mo talagang tao kahit pagpatay ang trabaho mo." Nakangising pang-aasar ni Manong Austin.

Umingos naman si Sunshine at muling humiga sa damuhan. "Umalis na ako sa trabaho. Wala ng dahilan para bumalik pa ako. Sapat na rin ang perang naipon ko para mabuhay ng hindi nagtatrabaho. Ikaw, anong plano mo? Hindi ka ba susunod sa America?"

"Kung susunod ako sa America, sino ang kasama mo rito? Isa pa, wala na si Lurjan. Nalipol na rin ni Gasser ang mga traydor na assassin na sumapi kay Lurjan. Ligtas na ang mag-ina ko. Wala na rin dahilan para bumalik ako sa trabaho. Matanda na rin ako kaya sasamahan na lang kita rito."

Napangiti naman si Sunshine. Alam naman niyang hindi siya iiwan ng ikalawa niyang ama kahit lagi niya itong inaasar na matanda na.

"Salamat, tanda. Hayaan mo, aalagaan naman kita kapag uugod-ugod ka na."

"Ikaw talagang bata ka. Bumalik na tayo sa bahay. Magluluto pa ako ng tanghalian. Anong gusto mong ulam?"

"Adobong sitaw!" masaya niyang sabi.

"O, s'ya. Halika na. Mamimitas pa tayo ng sitaw sa likod bahay."

Bumangon si Sunshine at nakangiti naman siyang inakbayan ni Manong Austin. Magaan na ang pakiramdam niya ngayon. Nabigyan na ng hustisya ang pamilya niya. Inilibing niya rin ang mga abo ni Sonson sa tabi ng puntod ng mga magulang niya. Sa ngayon, isang tao na lang ang kulang sa buhay niya. Kahit alam niyang umalis na ito, hindi naman siya mas'yadong nalulungkot. Pakiramdam niya magkikita pa rin sila at ang pakiramdam na iyon ay kaagad nangyari.

Bumagal ang paghakbang ni Sunshine nang makita niya si Rayder sa tapat ng bahay niya. Nakangiti ito habang nasa tabi nito ang ina at mga maleta. Ngumiti rin sa kaniya si Rena. Nag-usap na sila noon sa ospital at naibigay na niya ang kapatawaran para rito.

When Sunshine faded its shineWhere stories live. Discover now