Chapter 1

251 18 2
                                    

Ten years later...

"Cheers, Mr. Angeles. Let's enjoy the night!" nakangiting saad ng babaeng kasama ni Rayder sa mesa.

Kinuha naman ni Rayder ang wine glass na naglalaman ng red wine. Bahagya niyang dinikit ang wine glass sa baso ng babae. Mahinang tunog ng nag-umpugang baso ang ginawa nila bago uminom. Ngumiti ang babae habang seryoso lang si Rayder. Hindi nito inaalis ang tingin sa binata habang umiinom. Hindi pa tuluyang dumidikit sa labi ni Rayder ang red wine nang umatake ang babae. Inaasahan na niya iyon kaya napigilan niya ang kamay nitong may hawak na patalim.

"H-how did you block my attack? You're not looking at me!" gulat na sabi ng babae.

Marahang binitiwan ni Rayder ang hawak na wine glass sa mesa bago tumingin sa gulat na babae. Mestisa ang babae na may blondeng buhok. Maamo ang mukha nito at may kaakit-akit na katawan. Sumisilip ang punong dibdib nito sa neckline ng suot na pulang sleeveless dress. Halatang pang-aakit ang una nitong motibo sa uri ng pananamit.

"Tell your leader to change his tactics. Whatever he did, woman will never kill me," malamig niyang sabi sabay kuha sa patalim ng babae.

Hindi naman sumuko ang babae. Kinuha nito ang bote ng wine at hinampas sa kaniya. Mabilis niyang inangat ang braso para hindi iyon tumama sa ulo niya. Kumalat ang bubog sa nabasag na bote. Umagos naman ang dugo mula sa braso niya.

"Yeah, right! Those women can't ever touch you, but not an assassin like me. This place will be the sole witness to your death. Good bye, Mr. Angeles. See you in hell!"

Winasiwas ng babae ang nabasag na bote patungo sa leeg ni Rayder, pero nagulat ito nang mamanhid ang katawan. Unti-unti nitong nabitiwan ang basag na bote at natumba sa sahig. Kumuha naman ng tissue si Rayder sa ibabaw ng mesa at pinahid ang tumulong dugo sa braso niya. Tinapon niya ang ginamit na tissue sa walang malay na babae.

"You'll wake up tomorrow morning. Enjoy your sleep over here," saad niya bago nag-iwan ng paper bills sa mesa.

Tumayo si Rayder at iniwan ang babae sa sahig. Tuloy-tuloy siyang lumabas sa eksklusibong silid ng kinaroroonan niyang bar. Hindi iyon ang unang beses na may babaeng lumapit sa kaniya tuwing mag-isa siyang umiinom. Pinapaunlakan niya ang mga ito dahil alam niyang may motibo ang mga babae. Hinahayaan niyang lumapit ang kaaway para makita niya ang kilos ng mga ito. Isa lang naman ang dahilan sa tangkang pagpatay sa kaniya— ang nakaraan na may kinalaman sa kaniyang ama na hanggang ngayon ay hinahabol pa rin siya.

"Sir!" salubong na bati ni Amsterdam paglabas ni Rayder. Ito ang kanang kamay at secret guard ng binata. Ito rin ang dahilan kaya natutulog ngayon ang babae. Amsterdam is pretending as the waiter and serve the wine to them earlier. May pampatulog ang huling red wine na ibinigay nito sa kanila na hindi nahalata ng babaeng assassin. Mukhang hindi ganoon kataas ang ranggo ng babae para makalusot dito ang simpleng inumin.

"We're going back at home," saad niya na prenteng naglalakad palabas ng bar.

Bawat madaan ni Rayder ay humahabol ang tingin sa kaniya. Sino ba ang hindi mapapatingin sa nag-iisang Rayder Angeles? Bukod sa isa siyang matagumpay na negosyante, isa rin siyang sikat na football player sa America at laging laman ng mga balita sa Pilipinas. Ang tagumpay niya ay tagumpay rin ng bansa kaya hindi nakapagtataka na kilala rin siya sa Pilipinas.

He built his career on football during his school days and after his college graduation, he built the Simari Line. A shipping line that operates in different corners of the world. He became successful in both professions.

After ten years, ngayon lang siya umuwi sa Pilipinas para pagbigyan ang hiling ng lolo niya. Gusto nitong kumpleto ang pamilya sa darating na kaarawan. Dalawang araw pa lang siya sa Pilipinas, pero ilang pagtatangka na ang nangyari sa kaniya. Good choice na isinama niya ang Filipino-American bodyguard na si Amsterdam para sa kaniyang proteksyon.

***

Pagdating sa mansiyon ng lolo niya, dumiretso si Rayder sa sarili niyang kwarto. Hindi pa siya nagpapalit ng damit nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pintuan. Lumapit siya roon at pinagbuksan ang kumakatok. Nakita niya sa labas ang mommy niya suot ang night dress nito. Hindi ito mapakali at tila may bumabagabag dito.

"Mom, why you're still up? Is there something that bothers you?" malumanay niyang tanong sa ina.

"Yes. The happenings these past few days bothers me a lot."

"Why? What is it?"

"Come with me!"

"I'm going to rest, mom. Let's talk tomorrow, can we?"

"No!" matigas nitong tutol. "You should see this, Rayder. Dalawang araw na rin tayong hindi nag-uusap simula nang dumating tayo sa Pilipinas. Palagi kang wala sa bahay kaya hindi mo alam ang nangyayari rito."

Aminado si Rayder na hindi siya tumitigil sa mansiyon ng lolo niya. Naghahanap siya ng magandang lokasyon para magpatayo ng branch ng Simari Line sa Pilipinas. Hindi niya sasayangin ang bakasyon nang wala man lang siyang ginagawa para mag-expand ang negosyo. Kasama na iyon sa plano niya nang makauwi siya sa bansa.

"Alright. Where should we go?" pagsuko niya sa ina.

Hinila siya nito patungo sa elevator ng mansiyon. Mula sa fourth-floor kung nasaan ang kwarto niya, bumaba sila sa ground floor.

"Halika, narito siya," saad ng mommy niya habang hila-hila siya patungo sa kusina.

"Sino ba ang tinutukoy mo?" tanong niya.

"You will know once you see her."

Her. Wala naman siyang kilalang babae sa mansiyon. Kahit ang mga katulong doon ay hindi niya kilala. Kaya nagtataka siya kung sino ang gustong ipakita ng mommy niya sa kaniya.

"There. Look at her!" Turo ni Mrs. Angeles sa babaeng nakatalikod. Halata ang pagkadisgusto sa boses nito.

Tumingin si Rayder sa babae. Naglalagay ito ng pagkain sa tray.

"What about this maid?" balewalang tanong ni Rayder.

Hindi niya makuha ang nais iparating ng mommy niya. Sa tingin niya hindi na nito kailangan ipakita sa kaniya ang pagkuha ng pagkain ng maid sa kalagitnaan ng gabi. Marahil inutusan ito ng lolo niya.

"She's not a maid, son!"

Kumunot ang noo ni Rayder, "Then, who is she?"

Mas lumalim ang pagkunot ng noo ni Rayder nang bumaling sa kanilang direksyon ang babae. Even he left the country for ten years, he won't forget the reason of his sudden migration and that reason is in front of him.

"Do you recognize her?" bulong ng Mommy niya nang maglakad ang babae palapit sa kanila dala ang tray ng pagkain.

Umigting ang panga ni Rayder. After ten years, nalaman pa rin nito ang pagdating niya at narito na naman ang babaeng pilit niyang iniiwasan noon.

"What are you doing—" Naputol ang tangkang pag-singhal ni Rayder nang putulin iyon ng malamig nitong boses.

"You're blocking the way, move."

"Wait! What did you say?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Mula sa daan, unti-unting tumaas ang tingin nito sa kaniya. Bahagya siyang nagulat nang makasalubong ang walang buhay nitong tingin. Nagtataka siya sapagkat hindi ganoon ang paraan ng pagtingin nito sa kaniya noon.

"I don't repeat myself, move."

Natigilan si Rayder kaya hinila siya ng mommy niya. Natauhan lang siya nang makadaan ang babae sa gilid niya.

"What was that? Why she's here?" nagtataka niyang tanong. Parang hindi kapani-paniwala ang naging reaksyon nito nang makita siya. Malayong-malayo iyon sa babaeng kilala niya noon.

"That's the thing I was trying to say. Your Lolo introduced her to me while you weren't here. She's sharing the same room with him!"

"What? Sharing a room with him? Does it mean, Sunshine is Lolo's new wife?" bulalas niya.

Mas nakakagulat pa iyonkaysa malaman na makakasama niya si Sunshine sa iisang bahay.

Continuation...

***

MAYBEL ABUTAR

When Sunshine faded its shineWhere stories live. Discover now