Chapter 14

230 14 11
                                    

Pumasok sa kuwarto ni Rayder ang mommy niya at hinawakan siya. "Anak, huwag mo nang tangkain na pigilan sila. Baka madamay ka lang."

"Ano bang sinasabi mo, mommy? Madadamay saan? Wait, hey! Hindi kayo puwedeng pumasok sa kuwarto ko. Bitiwan niyo siya!" Inalis ni Rayder ang pagkakahawak sa kaniya ng mommy niya nang kunin ng dalawang pulis si Sunshine.

Muli naman siya nitong pinigilan. "Rayder, huwag ka nang makialam. Inagaw niya ang baril ng isang pulis at itinutok niya pa iyon sa mga pulis kanina. Wala tayong magagawa kundi ibigay si Lady Sun sa kanila."

"Kung nagkasala siya sa batas dapat hayaan muna nilang gamutin ang mga sugat niya," saad niya sa ina.

"Kami na po ang bahala sa kaniya, sir," saad naman ng isang pulis at nagtuloy-tuloy paalis.

"Sasama ako sa inyo!"

"Rayder! Nasisiraan ka na ba? Hayaan mong ayusin ni Daddy ang problema sa asawa niya. Hindi ikaw ang asawa ni Lady Sun!" singhal ng mommy niya.

Natigilan naman si Rayder sa sinabi nito. Tama ang mommy niya. Walang iba na dapat mag-ayos sa problema ni Sunshine kundi ang lolo niya. Malakas ang kapit sa batas ng lolo niya kaya alam niyang malulusutan ni Sunshine ang kinakaharap na problema.

"Nasaan si Lolo? Kailangan ko siyang makausap."

"God, Rayder! Hating-gabi na. Bukas mo na lang kausapin ang lolo mo," nakukunsuming sagot ng mommy niya.

Pero hindi nagpaawat si Rayder, "kung hindi puwede ngayon si lolo, ako na lang ang pupunta sa presinto. Hindi ko hahayaan na matulog si Sunshine sa kulungan."

Hinila siya pabalik ng mommy niya at nanunuri ang mga tingin nito sa kaniya na parang may ginawa siyang mali. "Tapatin mo nga ako, Rayder, may gusto ka ba kay Lady Sun? Bakit gan'yan na lang ang pag-aalala mo sa kaniya?"

Umiwas ng tingin si Rayder sa mommy niya. Hindi niya rin alam kung bakit nag-aalala siya kay Sunshine. Dati-rati naman ay galit na galit siya sa mga ginagawa nito sa kaniya, pero ngayon parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Iba na ang nararamdaman niya para rito at sigurado siyang hindi iyon galit.

"Bumalik ka na sa silid mo, mom. Susundan ko lang ang mga pulis," saad niya bago ito talikuran.

***

Samantala, nagpupuyos sa galit si Rena dahil sa pambabalewala ni Rayder sa kaniya. Mabigat ang mga hakbang niya nang bumalik sa kaniyang silid, pero nakasalubong niya si Lurjan sa pasilyo.

"Bakit narito ka? 'Di ba sabi ko sa 'yo, maghintay ka lang sa kuwarto?" galit niyang sabi rito.

"Naghihintay sa silid mo ang senior."

Kinabahan naman si Rena. Hindi ugali ng senior na pumunta sa kaniyang silid. Iyon ang unang beses na pumunta ito roon.

"Anong ginagawa ni Daddy sa silid ko?"

"Hindi ko alam." Kibit balikat nitong sagot.

Pinagsalikop ni Rena ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Taas kilay at nanunuri ang tingin niya kay Lurjan. "Sigurado ka bang malinis ang ginawa mong pag-set up sa kapatid ni Lady Sun? Baka may nakakita sa 'yo nang dalhin mo si Liza sa guest room at nagsumbong kay Daddy?"

"Wala ka bang tiwala sa asawa mo? Malinis ako magtrabaho." Nakangising sabi ni Lurjan.

Binatukan naman ni Rena ang asawa.

"Aray! Ano bang problema mo?" reklamo nito.

"Bwesit ka! Paano kung magsumbong ang bata, huh? E, 'di bulilyaso tayo."

"Hindi iyon magsasalita dahil sa takot niya. At isa pa, last option ko na iyon para gawin ang gusto mo. Matapang si Lady Sun at hindi siya natakot sa ginawa kong pagsunod sa sasakyan niya. Nalaman niya agad ang pagsunod ko at pinagbantaan pa ako sa supermarket. Kaya ginamit ko na lang ang kapatid niya."

When Sunshine faded its shineWhere stories live. Discover now