Chapter 20

199 13 0
                                    

Bumuga ng hangin si Rayder pagbaba ng sasakyan. Parang ilang oras niyang pinigil ang paghinga habang nasa biyahe. Okay lang sana kahit kasama nila sa sasakyan ang mga alagang tigre ni Sunshine, pero pinagitnaan siya ng tatlo. Hindi lang paghinga ang pinigilan niya, maging ang pagkilos niya. Hindi siya gumalaw sa takot na kagatin ng mga ito.

"Okay ka lang ba, sir?"

"Paano ako magiging okay kung halos mamatay na ako sa loob ng sasakyan? Sa tingin mo... Amsterdam?" gulat niyang sabi nang makilala kung sino ang nagtanong sa kaniya. "Bakit ka narito?"

"Ako ang driver niyo, sir."

Natampal na lang ni Rayder ang noo. Sa sobrang takot niya sa mga tigre, hindi niya napansin na kasama pala nila si Amsterdam sa iisang sasakyan.

"Nasaan ba tayo?" Nilibot ni Rayder ang tingin sa paligid. Pamilyar ang kagubatang iyon sa kaniya.

"Sa tingin ko po, ito ang pag-aaring lupain ni Lady Sun," sagot ni Amsterdam.

"Dito kami mag-d-date?" bulalas niya.

"Date? May date kayo ni Lady Sun? Ang sabi niya sa akin, ibabalik niya sa gubat ang mga tigre. Wala po siyang sinabi na may date kayo."

"Tsk! Oo na, hindi ito isang date. Saan ka naman nakakita ng date sa gubat at kasama ang mga tigre? Malamang hindi talaga ito date," maktol niya.

"Halina kayo! Naghihintay si Manong Austin sa bahay. Naghanda siya ng pagkain natin," saad ni Sunshine sa dalawa. Sinusundan nito ang tatlong tigre papasok ng kagubatan.

Gusto sanang hawakan ni Rayder ang kamay ni Sunshine habang naglalakad, pero nagbago ang isip niya. Malapit dito ang mga tigre kaya sinigurado muna niya ang distansiya bago sumunod dito.

"Hindi ko talaga gusto ang ideyang ito," muling reklamo ni Rayder habang sinusuong ang kagubatan.

"Bakit ka ba pumayag?" tanong naman ni Amsterdam. Prente lang itong naglalakad habang paminsan-minsan ay lumilinga sa paligid. Alam ni Rayder na alerto ito sa paligid.

"Anong magagawa ko? Mahal ko e." Kibit-balikat niyang sagot.

"Minsan ang pagmamahal ang nagpapahamak sa atin. Handa mo bang isugal ang sarili mo alang-alang sa pagmamahal na 'yan?" seryosong tanong ni Amsterdam.

"Kinikilabutan ako sa 'yo, Amsterdam. Ano'ng meron sa 'yo ngayon? Parang kakaiba ka ah."

"Wala, sir. Magmadali na po tayo."

Hindi na lang niya pinansin ang kakaibang kilos ni Amsterdam. Nagpatuloy na lang sila sa paglalakad hanggang makarating sa bahay ni Sunshine. Sinalubong sila ng hindi katandaan na lalaki. Mas bata itong tingnan sa matandang kasama nila noong una silang pumunta sa lugar na iyon.

"Ito nga pala si Manong Austin. Kapatid siya nang matandang naghatid sa inyo rito noon. "Manong Austin, ito naman si Rayder at Aster," pakilala ni Sunshine sa mga ito.

"Magandang araw sa inyo. Tara na sa loob. Naghanda ako ng pagkain niyo." Nakangiting saad ni Manong Austin.

Nakatingin lang si Rayder sa lalaki. Waring kinikilatis kung ano ang meron dito at napapatitig siya. Parang pamilyar ito sa kaniya, pero sigurado siyang ngayon lang sila nagkita.

"Sir, pumasok na po tayo," pagpukaw ni Amsterdam sa atensiyon niya.

"Sige."

Pinagsaluhan ng apat ang mga pagkaing hinanda ni Manong Austin. Aminado si Rayder na nabusog siya sa mga pagkaing iyon. Lalo na't hindi nila kasama ang mga tigre. Naglalaro ang mga iyon sa gubat.

Pagkatapos kumain, magkasamang tumambay si Rayder at Sunshine sa lilim ng malaking punong kahoy malapit sa bahay ni Sunshine. Nakasandal sila sa katawan ng puno habang nakatingin sa dagat. Tila napakalapit lang niyon, pero alam ni Rayder na isa hanggang dalawang oras ang biyahe kung dadaan sa highway patungo roon. Kung magkakaroon naman ng shortcut na daan, baka ilang minuto lang iyon lalakbayin.

When Sunshine faded its shineWhere stories live. Discover now