Chapter 3

270 21 20
                                    

Kinabukasan, nagtatalong boses ng lolo at mommy ni Rayder ang narinig niya pagbaba galing sa silid. Nakita niya sa sala ang dalawa. Wala naman sa paligid ang iba nilang kasama sa bahay.

"Humingi ka ng paumanhin sa kaniya. Hindi maganda ang ginawa mo kagabi, Rena."

"Dad, please! Masakit ang ulo ko. Hindi nakakatulong ang panenermon mo," saad ni Rena habang hawak ang sentido.

"Hindi nakakatulong? Sa tingin mo ba makakatulong sa atin ang ginawa mo kagabi, huh?!" galit na sabi ni Senior Rajar.

Inalis ni Rena ang kamay sa sentido. Galit din itong tumingin sa matanda.

"Ano bang problema mo, dad? Bakit kung ipagtanggol mo ang babaeng 'yon ay ganoon na lang? Oo alam ko matagal nang wala si mommy. Wala rin problema sa akin kung hahanap ka ng kapalit niya, pero hindi ko matatanggap si Sunshine. Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa apo mo? Baliw ang babaeng 'yon, dad!"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Rena. Humingi ka ng tawad sa ginawa mo kagabi."

"No! Hindi ako hihingi ng tawad sa kaniya. Nararapat lang sa kaniya 'yon dahil hindi siya welcome sa bahay na ito!"

Nagpasyang lumapit si Rayder para awatin ang dalawa.

"I agree with lolo, mom. Hindi maganda na pinahiya mo si Sunshine kagabi sa party. Ang mga nangyari noon ay parte na lang ng nakaraan. Kaya kalimutan na lang natin iyon," mahinahon niyang sabi.

"Even you, Rayder? Ano ba'ng nangyayari sa inyong dalawa? Bakit kinakampihan niyo ang babaeng 'yon? Argh! I can't take this anymore. Bahala kayo sa gusto niyo, pero hindi ako titigil hanggat narito ang babaeng iyon. Palalayasin ko siya sa bahay na ito!" Tumayo si Rena at nagmamadaling umalis sa sala.

"Rena, come back here. We're not yet done!" sigaw ni Senior Rajar na hindi pinansin ng babae.

"I'll talk with her regarding that matter, lolo," assurance niya sa matanda.

Huminga ito nang malalim at parang nakukunsumi sa panganay na anak.

"She's still stubborn as she is. Gagawin niya kung ano ang gusto niya kahit ano pa ang kahinatnan niyon. Mahirap talagang kontrolin ang mommy mo, Rayder."

"Don't worry, lolo. Ako na po ang hihingi ng paumanhin kay Sunshine tungkol sa nangyari kagabi."

"That's a great idea. Kung kakausapin mo siya, mas mabuting gawin mo na ngayon. Aalis siya at tatlong araw siyang mawawala sa mansiyon."

"I'll do it, lolo. By the way, where is she?"

"Rooftop. Maybe she's having a quality time with her pets before leaving the house."

"Alright. I'll go there."

Pagkatapos magpaalam sa matanda, nagtungo si Rayder sa rooftop para puntahan si Sunshine. Desidido siyang kausapin ito para humingi ng paumanhin sa nangyari kagabi. Akala niya simpleng kasiyahan lang iyon na gusto ng mommy niya, pero hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Tama ang lolo niya, may pagka-stubborn talaga ang mommy niya. Siguro iyon din ang dahilan kaya naghiwalay ito at ang daddy niya. Hindi niya rin masisi ang mommy niya dahil sa uri ng trabaho ng daddy niya. Mas mabuti na rin na naghiwalay ang dalawa para sa ikatatahimik nila.

Pagdating sa rooftop, binuksan ni Rayder ang pintuan. Hindi naman niya inaasahan ang sumalubong sa kaniya.

"Holysh*t!" gulat niyang sabi nang dambahan siya ng isang tigre dahilan para matumba siya sa sahig. Ibinuka nito ang bibig at handa na siyang kagatin, pero tumigil ito nang magsalita si Sunshine.

"Luffy, come here."

Parang maamong tuta na lumapit ang tigre kay Sunshine. Umupo ito sa gilid ng dalaga habang nakahilig ang ulo sa hita nito.

When Sunshine faded its shineWhere stories live. Discover now