Chapter 15

211 11 2
                                    

Ibinaba ni Sunshine ang kamay na may hawak na baril. Binalewala niya ang presensiya ni Gasser at lumapit sa katawan ng dalawang lalaki. Kinapkapan niya ang mga ito at kinuha ang cellphone sa bulsa ng isa. Binuhay niya iyon at inalis ang lock gamit ang finger print ng lalaki. Tinignan niya ang call logs at messages sa cellphone nito. Nakita niya ang current calls at messages mula sa pangalang boss.

"Paano mo ako nasundan dito?" tanong niya kay Gasser habang binabasa ang mga mensahe sa cellphone ng lalaki. Mensaheng nag-uutos na patayin siya.

"Naramdaman kong nasa panganib ka nang makausap ko si Mr. Rayder Angeles kanina."

Tumayo si Sunshine. Pinatay niya ang cellphone at inilagay sa bulsa. Seryoso siyang tumingin kay Gasser. "Paano kayo nagkaroon ng komunikasyon?" naghihinala niyang tanong.

"Hey, I know that look. It's not what you think. Bigla na lang sumulpot sa harapan ko ang bodyguard niya at sinabing gusto raw akong makausap ni Mr. Angeles, pero boses mo ang narinig ko sa kabilang linya. Nagtungo ako sa mansiyon para alamin ang nangyari at nakita ko ang dalawang 'yan. Naghinala ako sa mga kilos nila kahit suot nila ang uniporme ng mga pulis. Nang makita kong bitbit ka nila palabas ng mansiyon, sinundan ko kayo hanggang dito. So, what's your next plan?" muling tanong ni Gasser.

Tumingala si Sunshine sa langit at huminga nang malalim. Pilit niyang inaalis sa isip ang nangyari kay Sonson, pero pilit naman bumabalik sa isip niya kung paano ito binawian ng buhay. Naninikip ang dibdib niya sa tuwing naaalala iyon at hindi siya papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid niya. Kahit ilagay pa niya ang hustisya sa mga kamay niya.

Tumalim ang tingin ni Sunshine. "I'm going back," sagot niya.

Tumango si Gasser na parang inaasahan na nito ang desisyon niya. "That's expected from you, but you know it's not easy to go back, right? They need to know your personal information. Are you okay with that?"

"Yeah," tipid niyang sagot. Alam niya ang bagay na iyon, pero kailangan niyang bumalik sa dating trabaho para gawin ang magpapaluwag sa dibdib niya—ang paghihiganti. Wala na siyang pakealam kung ano ang mangyari sa kaniya. Hindi na niya pinapahalagahan ang sariling buhay, dahil paghihiganti na lang ang bumubuhay sa kaniya ngayon.

"You want vengeance," siguradong pahayag ni Gasser.

"Yes."

"What kind of help do you need?"

"Weapons and the information about our leader. Kailangan kong masiguro na hindi niya ako gagalawin bago ko magawa ang dapat kong gawin."

Marahang tinapik ni Gasser ang balikat niya. "Okay. Susubukan ko kung ano ang magagawa ko sa bagay na iyan. Pero, mag-iingat ka. Delikado ang mga tao sa loob ng mansiyon. Hindi sila magdadalawang isip na patayin ka."

Ngumisi naman si Sunshine, pero hindi nagbabago ang matalim niyang tingin. "Alam ko, pero nagsisimula pa lang ako. Hindi lang si Senior Rajar ang sisingilin ko, maging ang mga taong nasa paligid niya. Aalamin ko kung sino ang puno't-dulo ng pagkamatay ni Sonson at isusunod ko naman ang taong nagtangkang ihulog siya sa hagdan."

Nakita ni Sunshine ang ginawa ng taong iyon kay Sonson nang magawa niyang i-hack ang mga secret camera sa mansiyon na mistulang disenyo lang sa mga pader. Ginawa niya ang hacking nang ibalik niya ang sasakyan sa parking lot ng hotel pagkatapos niyang i-deliver ang package sa Homed Orphanage. Hindi lingid sa kaalaman niya ang mga camera'ng iyon dahil narinig niya ang minsang pag-uusap ni Senior Rajar at Sage tungkol doon. Kaya nang bumalik siya sa mansiyon, alam na niya kung sino ang nagtangka sa buhay ni Sonson.

"Kung ganoon, aalis na ako. Balitaan na lang kita sa tulong na gusto mo." Aalis na sana si Gasser nang marinig nito ang tunog ng palapit na sasakyan. "Shoot! Nakalimutan kong sabihin, sinusundan din pala ni Mr. Angeles ang sasakyan ng dalawang 'yan kanina. Nauna lang ako, pero mukhang naligaw siya at ngayon lang nakarating dito. Umalis na tayo rito," saad ni Gasser.

When Sunshine faded its shineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon